gas pt. 3

‘taragis! (maglagay ng karagdagang mura dito)

Katulad ng nakagawian, nagbabasa ako ng blogs mula sa aking cp habang nakasakay sa MRT papasok sa trabaho.  Ayos sana ang lahat nang mapansin ko ang mamang nakaupo sa tapat ko na biglang itinapat ang kanyang matatabang hinlalaki at hinlalato sa dalawang malalaking butas ng kanyang ilong.  Halos kaalinsabay nun, ang pagsingaw ng nakakabulahaw na amoy!

Nakakasulasok ang sobrang baho. Parang galing sa septic tank. Nagtakip ako ng ilong para hindi ako makalanghap. Tumingala rin ako sa air vent sa tapat ko para ang malakas na buga ng malamig na hangin mula rito ay makatulong para hindi ko maamoy ang baho ng pinasabog na lagim.

Nagbukas ang MRT sa Ayala station at daling tumalilis ang babaeng nakaupo sa dulo ng upuan sa harap ko. Hindi kaya siya ang salarin? Siya lang ang bumaba sa banda namin. Mas marami ang bumaba sa mga ibang bahagi ng tren.

Pinalibot ko ang aking paningin sa paligid.  Hindi kaya itong mamang napapanot dahil siya ang unang nagtakip ng ilong? O itong katabi niya na may tatlong malalaking warts sa kanang balikat, nakakunot-nuo at nakatingin pakaliwa sa dinadaanan ng tren?  Di naman kaya itong pangatlong mama na naka-blue cap na ang katawan ay nakabaluktot papunta sa kaliwa?  O itong mamang nakaputing barong na ang mukha ay nakatutok sa buhok ng babaing katabi?  Mahaba ang buhok nung babae, nakasandal sa upuan, nakapikit ang mga mata, matangos ang ilong at  maganda ang mga labi.  Maganda ang hubog ng kanyang dibdib. Ah ako na lang sana ang nasa tabi niya at sinasamyo ang kanyang mabangong buhok.😀 Napalinga ako sa babaeng nasa tabi ko, hindi maipinta ang kanyang mukha at nakatagilid pakanan, halatang naiinis, hindi na rin siguro niya makayanan ang humihinang alingasaw.

Matagal bago tuluyang nawala ang amoy.  Sa pagbukas ng tren sa Magallanes ay naghanda ako sa paglabas.  Nagtayuan ang lahat ng mga nakaupo at naunang lumabas sa akin.

Hindi ko pa rin alam kung sino sa mga nakasakay ko ang walanghiyang nagpalabas ng hindi kanais-nais na amoy.  Ang naisip ko lang ay ang bagong post ni jasonhamster.  Kung sino man ang salarin, sana ay tubuan siya ng halaman sa loob ng kanyang sikmura at bituka.  At least, makakatulong siya sa kapaligiran at magiging masigla ang oxygen-carbon dioxide cycle kahit man lang sa loob ng kanyang tiyan.

Previous Post
Next Post
Leave a comment

28 Comments

  1. jason

     /  May 13, 2010

    hahaha base ako

    Reply
  2. jason

     /  May 13, 2010

    ok isa isahin natin..

    masmalaki ang chance na nakatayo ang salarin.

    masmaalingasaw kasi hindi nakasayad ang pwit sa bangko.. hmmmmm

    yung may warts siguro hindi sya. kawawa naman kung paghinalaan ko pa sya. lol

    hmmmmmm ang salarin- yung magandang babae

    basta. mabaho daw umutot ang mga byutipool.

    Reply
    • Parang yung babaeng maganda ang umutot? Maaari nga siguro; iniisip ko ulit ngayon yung nangyari at medyo relaxed ang mukha niya at hindi siya nababahala.

      Hmmmm. Linsiyak, baka siya nga! ‘taragis naman….😀

      Reply
      • jason

         /  May 13, 2010

        pinaghinalaan m kasi yung mga obvious na gagawa ng kasalanan! hahaha

        hanapin si detective conan!

        Reply
  3. jason

     /  May 13, 2010

    yung dapat itanim sa stomach nung umutot ay- halamang amorseco. para maabsorb ng mga amorseco ang bacteria ng mabahong chemicals, para mafilter.. awts.

    Reply
    • haha lovegrass daw ang tawag dun. at ang pinagpakuluan ng ugat nito ay gamot sa diarrhea hehehehe

      Gusto mong magtanim sa stomach ng salarin?

      Reply
      • jason

         /  May 13, 2010

        pwede! magtatanim i-didisect ko ba muna kuya taribong? O ipapalaklaka ng isang pakete ng garden seeds na mabibili sa Hi-Top Supermarket?

        Reply
        • kaya mong i-dissect? haha hanggang saan ang threshold of tolerance ng iyong olfactory nerves??
          Option no. 2 na lang, lagyan natin ng sinker para ma-embed agad sa kanyang digestive canal hehehe

          Reply
          • jason

             /  May 13, 2010

            ok payn. di ko masisikmura ang magdisect..

            yang sinker na yan, gusto ko makita ang proseso. kaso dun lang ako sa glass window mag hihintay. hohoho

            tapos may tatalsik na mga dugo.. aw gore.

            Reply
  4. hahaha! napabunghalit talaga ako ng tawa buti na lang at wala ang aking boss. hahahha!

    oops. sorry naman at ikaw nga pala ang isa sa mga naapektuhan. kung sino man yun, e sana pagsisihan niya ang malaking kasalanan na nagawa nya sa inyo. hehehe

    Reply
    • hehehe hindi ko maubos maisip pano kaya kung nangyari ang ganon sa fx na sinasakyan mo? wahahaha oooops sori naman hehehe

      Reply
  5. teka bakit puro gas ang post mo? magtataasan na naman ba ang presyo ng gas?

    Reply
    • ah eh dahil siguro sa mainit ngayon at kailangan natin ang hangin?😀

      >pero grrr ayoko ng masamang hangin!

      Reply
  6. toni

     /  May 13, 2010

    wag nyo naman isipin tubuan ng halaman sa loob ng sikmura ung taong nagpasingaw ng gas.
    buti nga nakalabas ung masamang amoy kundi sasakit tyan nya.

    Reply
    • ang sobrang ginhawa niya ay sobrang pahirap sa amin waaaaaahhhhh

      >wala ngang verbal reactions kanina puro non-verbal (facial expressions na may galit, poot at pagkamuhi hehehehe), siguro dahil kapag magbukas sila ng bunganga mas lalong maaamoy nila ang pasabog. nakopo, naiisip ko ulit…

      Reply
  7. toni

     /  May 13, 2010

    saka bat sunod sunod ata post mo ngaun?
    dapat maglaro ka din sa fb tas sabayan ng chat para malibang.

    Reply
    • mauubos ang oras ko sa fb, sa blogs na lang ako naglilibang haha sa kabila ng pressure at stress sa work😀 (ssshhh sana lang hindi mabasa ni bossing ito)

      Reply
      • toni

         /  May 13, 2010

        ay pag nabasa nya toh ipakilala samen.
        kakaibiganin namen sya..plamis.

        Reply
  8. dapat sumigaw ka ng “itae mo na yan!”

    haha, nakaktuwa yung post mo.have a nice day!

    Flor
    kcatwoman
    ldspinay
    Bookneneng

    Reply
    • Walang nagtangkang magbukas ng bibig at baka mas lalong malanghap ang lagim hehehe😀

      Maraming salamat kcat! Hanggang sa muli…

      Reply
  9. aahahah, sa dami ng tao hindi talaga malalaman kung sinu man yung nagpasabog ng amoy.. hehehe🙂

    Reply
    • Haha all are possible suspects! Mahirap pa ring gamitan ng process of elimination hehehe

      Maraming salamat sa pagdalaw:D

      Reply
  10. lababo

     /  May 14, 2010

    puro gas! dapat kinollect mo kuya tarbs, pwede na siguro yun pang-LPG. haha

    Reply
    • Posible hehehe Gusto mo i-collect? Alamin muna ang pinanggalingan ng gas para pwedeng i-tap na source ng alternative fuel. Buti na lang nga “no smoking” sa MRT hehehe

      Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: