lusaw (post-earth day post(?))

(Babala: Puro kabulastugan at walang mapupulot na aral sa mga talata sa post na ito. Kaya, para hindi masayang ang oras o panahon, ang mambabasa ay pinapayuhang basahin na lamang ang P.S. (panghuling salita) sa dulong bahagi ng post. Salamat po.)

P4,097.64! Yan ang katumbas ng aking pamamalagi sa Space Lab sa loob ng isang buwan pagkatapos nilang ikaltas ang sampung bahagdang buwis para sa kaban ng pamahalaan. Puwede nang pagtiyagaan haha. Dahil walang available na space vessels, ako’y nag-commute na lang mula roon.

Pupunta na ako ng meeting sa Podium ngunit wala akong masakyang taxi. Minabuti kong sumakay ng MRT hanggang Shaw Boulevard upang makaiwas sa traffic, at doon na lang mag-abang ng taxi. Ngunit laking pagkakamali ko, matagal akong nag-abang at naikot ko na ang EDSA Central Pavilion ngunit wala akong makuhang taxi. Nagpasya na lang akong sumakay ng bus at bumaba ng SM Megamall. (Sana sa MRT Ortigas na lang talaga ako bumaba!)

Lakad-takbo akong pumunta sa aming meeting sa kliyente. Tumatagaktak na ang aking pawis sa pagmamadali at sa sobrang init dulot ng tindi ng sikat ng araw.

Humahangos at pawisan akong dumating sa meeting kung kaya labis ang aking paghingi ng paumahin sa aking mga ka-meeting. Pagkalapag ko pa lamang ng aking mga dalang papel ay nagsabi na akong “I am very sorry for being late. Please excuse me for a while because I really need to go to the bathroom…” Nakangiti akong binati ng aking mga ka-meeting sabay turo sa akin na nasa second floor ang restroom.

Naghilamos at naghugas ako ng kamay, pinatuyo ang tumatagaktak na pawis sa katawan. Inamoy at pinakiramdaman ang sarili, sana may bisa pa ang aking pabango at ang aking deodorant katulad sa mga palatastas sa telebisyon. Sana ay tumalab pa rin ang mga bisa nito upang takpan ang amoy-pawis at amoy-araw. Medyo nahihiya na talaga akong pumunta pa sa meeting...

Pagkabalik ko sa mesa ng aming meeting, half-puwet ang aking pag-upo sa dulo ng upuan, upang maski papano ay hindi ako maabot ng kanilang olfactory senses. Inasam ko na matapos na agad ang meeting; kaya nung pinag-order ako ng makakain at maiinom, isang malamig na Coke na lang ang aking hiningi at nung i-offer sa akin ang pangalawang pandesal ni Pareng Pons ay kinuha ko na rin ito. (Para matapos na agad ang kasaysayan nito haha!)

Buti na lang nauna doon si Ms. Jo, ang isa aking mga boss sa opisina, at siya na ang kumausap sa mga kliyente. Limang limang araw na kaming hindi nagkikita ni Ms. Jo sa office. Gumaganda siya dahil may inspirasyon. Haha! Ang pag-ibig nga naman talaga!

Nang nasipat namin ang pagdating ng isa pang kliyente ay tinapos na ni Ms. Jo ang meeting at lumipat kami sa kabilang coffee and deli shop. Hindi na rin namin pinatagal ang sumunod na meeting at pagkatapos naming pagsaluhan ang premiere clubhouse sandwich at ubusin ang aming kani-kanyang inumin ay nagpaalam na kami sa bawat isa.

Sobrang saya ko dahil makakapaggala ako maski papano sa Megamall at maaga akong makakauwi, hindi katulad ng mga nagdaang araw o buwan na gabi o dis-oras na ng gabi o madaling-araw na ako umuuwi hehehe.

Ang sarap ng pakiramdam na pagkagaling sa initan ay papasok sa malamig na lugar. Ninamnam ko ang pagbabago ng temperatura ng aking katawan at ang aking paligid.

Mula sa ground floor ay bumaba ako sa basement level. Maganda ang musikang pinatutugtog; may mall tour pala ang The Company sa kanilang bagong album at tinatapos na nila ang huling tatlong tao na nakapila para sa CD (album) signing, kodakan, kumustahan atbp. Pagkaraan ng ilang saglit na panonood at pakikinig, pumunta ako ng comfort room at umuwi na.

Sa aking paglabas ng mall papunta ng MRT station, naramdaman ko na naman ang init.

Sobrang init talaga ng panahon. Malala na talaga ang global warming. Tsk… tsk… tsk… Sa tindi nga ng init, nalulusaw na ang ice glaciers sa ibang bansa. Pati ang ice skating rink sa megamall, wala na. Nalusaw na rin siguro, ‘no? (hehehe)

Hmmm…. makapag-ice cream nga mamaya…

(P.S. Para maibsan ang dinaranas na sobrang init sa katawan, maari kang tumawag sa toll free number 1-800- wildsex, inaanyayahan ko kayong dumalaw sa blog-hay ni Tats a.k.a.  superlolongpinoy upang makibahagi sa pagsugpo sa lumalaganap na global warming at masagip ang pagkawasak ng Inang Kalikasan. Maraming Salamat at hanggang sa muli. :D)

Previous Post
Next Post
Leave a comment

70 Comments

  1. una akooooooooooo! BASEEEEEEEE!

    Reply
  2. jason

     /  April 24, 2010

    awts naunahan ako ni eloiski! base!

    secanbase!

    Reply
  3. jason

     /  April 24, 2010

    hahahah ang kulet naman ng kwento mo kya taribong adventure na adventure!!

    muka namang tumalab ang deodorant at pabango kasi wala silang reaksyon o reklamo, at effective din ang pag upo sa dulo. lol

    hahahahahaha
    buti naman eh may coke..

    asan ang c2 at nova??

    ang mga glaciers… nabasa ko to kagabi.
    saan nga ba? hahah walang clue!

    Reply
  4. mtoni

     /  April 24, 2010

    balisa ung pagkukwento mo kuya Tars.

    hala agpayso kanayon nga parbangon awid mo? isu siguro.

    Reply
  5. Lusaw…ang lalim ng tagalog ah…nalusaw na yelo…dahil sa init. Ramdam ko ang iyong pagkabalisa Taribong sa iyong kuwento.

    Kung kanina ay nagiikot kami sa paligid dito…ako ay nakaramdam ng init…at di ko napigil na buhayin ang aircon ng sasakyan(para lang palamigin ang loob ng sasakyan sandali)…ayyy lalo na dyan.

    Maraming salamat anak sa pagturo sa aking sinulat. Tama ka di na biro-biro ang global warming…do our best lang in our own little way…save Mother Earth…Go Green.

    May dati na rin akong sinulat…kaya lang may kahabaan ang bidyo…pero may bagay-bagay na mabilis marealize kung saan nagmumula ang problema.Naito:

    http://superlolongpinoy.wordpress.com/2009/10/28/the-story-of-stuff/

    Maraming Salamat Taribong…gawin na nating parang damit ang mga bagay-bagay para makatulong sa kalikasan…di lang sa isip kundi sa gawa…sabi nga sa panatang makabayan.

    Maliit…puwedeng maging malaki…balang araw…para sa susunod na henerasyon. Maaring di natin makita ang resulta ng ating ginagawa sa ngayon pero masarap maging parte ng kagalingan ng naghihingalong kalikasan na kaloob sa atin ng Maykapal.

    Halo-halo ang naisip ko Taribong…di Ice cream. Salamat!

    Reply
    • Maraming salamat po, Tats, lalo na sa inyong mga aral na binanggit sa inyong post. Kailangan lamang po na sana’y lahat tayo makibahagi para maisaayos ang kalikasan at maiwasan ang tuluyang pagkawasak nito.

      Sorbetes po, Tats. De tulak na, at may batingaw (kampanilya)pa… haha

      Reply
  6. wala bang kapulot pulot na aral ang post mo? di bale wala ka ding makikitang aral sa comment ko.🙂

    penge ice cream, ang init din ditu!🙂

    Reply
  7. bat di mo sinabi para sana nag gala pa tau. wahahah apir!!!🙂

    Reply
  8. Bat natatawa ako sa pag upo mo ng kalahati lang ng pwet? Hindi ko kase alan kung ang kalahati na sinasabi mo eh left o right lang ang nakaupo or kalahati na half ng left at right ang nakaupo gaya ng pag upo ko pag siksikan na sa jeep! Haha.

    1-800-libog ata ang ibig mong sabihin taribongbong. Sasagot dyan si Madam Auring. Hot noh?

    Goodafternoon!😀

    Reply
  9. Mr. Nonsense

     /  April 25, 2010

    lahat tayo ay mawawala sa mundo. si kulisap na lang ang matitira….masamang salot kasi

    Reply
  10. awwts! ang init naman nun haha naimagine ko ang sitwasyon habang nasa meeting! =)

    inggit ako sa icecream sarap pag summerrrr

    Reply
  11. Bakit natatawa ako sa kwento mo? Pwede mo ng lakarin ang Edsa Central papuntang Megamall pero nag-bus ka pa. Hahah. Atsaka hindi ka makakakuha ng taxi sa pag-iikot ng mall, pupunta ka sa gilid ng mall, tatambay at magpapakita ng laman pera. Hahah.

    Reply
    • ang init talaga salve kaya ako ng bus para maski papano, bawas init, bawas pawis hehe. inikot ko, i revolved around the mall wahaha

      Reply
  12. waah! tanging tumatak sa isip ko ay ice cream…. kung kelan pinagbawalan akong kumain nyan sya namang madalas maalala…haays!

    Reply
  13. Sana pahabain yung panahong nilalaan para sa mundo hindi lang isang oras.

    Tol asan ka na? Ubusin mo na yang ice cream gabi na. Naalala ko si eros atalia nung pinapawisan ka hehe. Tol balik ka na.

    Reply
  14. Sobrang init talaga. Nagaccumulate na lahat ng ‘little things’ na nagawa ng mga tao simula’t sapul pa para danasin natin yung nangyayari ngayon. Well, we shouldn’t be pointing fingers to any one. Kung magtutulong tulungan naman, kakayanin yan. ;]

    Reply
  15. padaan po ginoong taribong!
    hakhak!

    libre mo ko ice cream! hakhak!
    ang init na naman dito oh…

    Reply
  16. lababo

     /  April 28, 2010

    toll free ba talaga kuya tarbs? di ako makatawag eh..

    Reply
    • please dial again… hehehe

      or baka gusto mo i-try yung kay vajarl (please see comment no.8 above)

      Good luck!

      >>Teka muna, paging eloiski…

      Reply
    • lababo

       /  April 30, 2010

      wasaaaaak! ayoko nun! kay vajarl na lang si madam auring! hahahahahaha

      Reply
  17. kaya pala wala na ung iceskating sa megamall, natunaw pala… toink.

    Reply
    • hayun tuyo na nga ang sahig, tinanggal na ang mga fiberglass walls, etc….

      Grabeng init talaga…

      Reply
  18. ok lang namang maging kuracha, pero di ok pag ganito kainit.

    ako din lumalabas paminsan minsan para tumawid naman sa kabilang mall during lunch pero kahapon talaga yung sobrang init na talagang masakit di lang sa balat kungdi sa buong katawan isama mo pa ang mga kalamnan mo. as in grabe ang init at nakakainis talaga. di mo maiiwasang magkasakit sa ganitong panahon eh…

    masarap nga ang ice cream pag ganitong sobrang init. hay.

    Reply
    • ay ibig ko palang sabihin dun sa nauna kong sinabi na ang kuracha mo naman kasi kabikabila ang mga meeting mo. hehehe

      Reply
    • Haha kaya pinagsunod na lang ang meetings sa magkalapit na coffee shops hehe

      Pinagtiya-tiyagaan na lang namin yung foods sa canteen. At leat, hindi na kami lumalabas ng building unless may meeting talaga sa labas. Good thing, improving na ang cooking skills ng cooks sa canteen wahaha kung hindi magliliyab ang mga ulo ng kakain doon…

      Yahoo, it’s sorbetes time…. este DQ pala! DQ meeting na kasi hehehe

      Reply
      • DQ DQ ka dyan e ikaw ang nangindyan! hmppppp!

        dito sa amin, fortunately, e masarap naman yung food sa canteen…yun nga lang, dahil sa dami ng mga dumadayo mula sa kabilang building, pag breaktime na namin, wala nang natitirang food para sa aming mga empleyado dito kaya dun na lang kami kakain sa kabilang mall. hehehe

        Reply
  19. shea

     /  April 30, 2010

    wow.. pulmon ang abot mo nyan haring taribong..

    nalusaw na ba yung ice skating rink ng megamall? masabi nga sa pamangkin ko, para di na mangulit ng skating.. nyahaha..

    ice cream? penge ako?

    Reply
    • Maraming salamat sa concern, na-shy naman ako bigla. (nag-blush maski kayumanggi wahahaha)

      Haha, nalusaw na. Doon na lang sa MOA, hindi pa nalulusaw haha.

      Sure, ilang scoops? hehehe

      Maraming salamat, shea.

      Reply
  20. mainet tlg ang panahon pati ulo ng mga tao.
    relak lng.

    at na invite ka pla ni lolo jan. astig. \m/

    Reply
    • (hingang malalim…) yan medyo umokey na hehehe

      Maraming salamat sa pagdalaw, sows. Hanggang sa muli. astig. \m/

      Reply
  21. Until now I am hOt, PAIBA iba ang temperatura ni Inang Kalikasan.

    Iinit, uulan pero maalinsangan pa rin.

    Totoong ulan na ba ito Tar o dulot lamang ng Acid Rain?

    Kamusta?

    Reply
    • Okay lang naman po. Kelan ka manlilibre, ading jkulisap? Ambata mo pala hehe

      Ulan yan mula sa cold front, maulap ang papawirin na may kalat-kalat at pabugso-bugsong pag-ulan lalo na sa dakong hapon. Pero sa linggong ito ay magiging mainit at maaraw dahil mawawala na ang cold front… Mula sa PAG-ASA, nag-uulat.

      Reply
      • Utot pre. Kung bata pa ako, titiradorin kita. Wrong.

        Kaya nga kasalukuyan ang edad, dyahe tol..dyahe.

        Reply
        • haha, kuya gusto mong malaman ang edad ni kuya kulisap?… magkano ang kaya mong bayad…wahahahaha

          Reply
  22. Peksman. Habang nag-aapply. D2 na me, wer n u??

    Reply
    • Hindi ka nagsisinungaling? (nakataas ang kanang kamay habang naka-cross fingers sa baba ang kaliwang kamay hehehe) Ligo na lang sa beach diyan sa Zambales hehehe

      Reply
  23. base!
    first time ko po dito. kahit sa bansang kinalalagyan ko ay ramdam din ang global warming. God bless po!

    Reply
  24. kuya taribong… bagong poste naman dyan! hakhak!

    lumalamig-lamig na dito sa baguio
    pero bukas mainit na naman. hakhak!

    Reply
    • may bagong poste sa taas hehehe

      Sana nga makadalaw na ako ng Baguio sa lalong madaling panahon hehehe

      Reply
  25. jason

     /  May 7, 2010

    kuya taribong palagi ka ng stressed sa work

    T_T

    Reply
  26. toni

     /  May 9, 2010

    kuya Tars, Happy Mothers day ken ni nanang mo, pati kadagiti kabsat mo nga adda annak nan.
    kumusta ka dita manong?

    Reply
    • toni

       /  May 9, 2010

      pasin mo agsasaruno kami didjay ngato tas ditoy baba kasdiay met laeng.
      napateg nga agkakabsat.

      Reply
    • Wen toni. Agyamanak iti panangpadayawmo kenni Nanangko. Kasta koma met kenni Nanangmo, Happy Mother’s Day kanyana iti inaldaw-aldaw haha…

      Naragsak ken naimbag a kasangay para kenka!!!! Mano’t tawenmon? Dumanon kami koma dita ayanyo haha

      Sapay koma ta kanayon ka a taribayen ti Apo a Namarsua. Aglayus ti parabur kenka agraman ti intero a pamilyam. Diyos ti Agngina kabsat!!!

      Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: