pawis

Dati’y kailangang magpapawis

Para bawasan ang tabang labis

Ha..ha..ha.. habol ang hininga

Para katawa’y sumeksi’t sumigla.

Masigasig na nakamit ang pangarap

Lalo’t sa gabi, ang minamahal ang kayakap

Ah..ah..ah.. malalim na paghinga

Walang kaparis na ligaya.

Ngunit ngayon nga’y sobrang init

Hindi man gumalaw, hindi man pumihit

Daloy   ng  pawis, tumatagaktak

Maski may yelong sa bunganga nakasaksak.

Walang kuryente, walang ulan, walang hangin

Ano nga kaya ang puwedeng gawin

Para itong init ay maibsan

Pawisang katawan, kawawa naman…

Previous Post
Next Post
Leave a comment

88 Comments

  1. base akoooooooo!

    Reply
    • solusyon dyan, pumunta ng baguio!
      nakuu! kaso medyo mainit na rin dito. at palagian kung mawala ang kuryente! nakaasar! hakhak!
      pero masarap maglibot-libot ng session! hakhak!

      Reply
    • Congratulations eloiski. Hopefully, makapunta ulit ako sa Baguio sa mga susunod na araw. Hindi nga natuloy noong nakaraan dahil nagbago ang isip ng aking mga kasama…

      Reply
  2. ang init ngayong summer!

    Reply
  3. mtoni

     /  March 5, 2010

    dito kuya Tarbs…makapal pa snow.

    pero kung tutuusin mas gugustuhin nyo pawisan dahil kusang natutunaw mga sobrang pabigat sa katawan.
    nga lang mainit talaga pero subukan mo kuya Tarbs ibabad paa sa plangganang me tubig.

    Reply
    • pakipadala mo naman dito ang snow hehehe…
      Nagsa-shower na nga din para lalong lumamig ang katawan. Minsan nilalagyan din ng yelo ang balde (haha kunwari nasa Baguio)pero mamaya hayan na naman ang init; mas malaking problema pag brownout hayst

      Reply
      • mtoni

         /  March 6, 2010

        wahaha talo naman sa kilo..ke bigat ng tubig.
        kuya tarbs ba’t di mo subukan ung dry ice na nasa plastic, mas praktikal gamitin un kesa yelo talaga. pag mejo nalusaw ibalik lang sa fridge uli. n

        Reply
  4. Ay bat hindi ko naisipan dati magpapawis para magbawas ng taba? Hahaha.

    Reply
  5. buksan ang fridge at magtambay dun!🙂

    Reply
  6. Lee Mi

     /  March 6, 2010

    simula na ulet ng tag-init…
    negra na naman ako…, =)

    Reply
  7. oo nga..ngayon di na kailangan magpainit para uminit..dahil kahit gabi eh mainit na din..😐 hays..

    Reply
  8. jason

     /  March 6, 2010

    nakakapang-init nga talaga tong post mo kuya taribong haha

    ngayon nga parang walang pressure ang pagpapapawis ko. kahit ata dami kong nilalamon eh
    nababawi din ng pagpapawis ko dahil sa el nino na yan .

    sawakas mababawasan na baby fats ko lol hahahaha

    teka kung pumayat edi hindi na masyadong ok pagkayakap kasi walang pichi-pichi.

    aw. haha

    Reply
  9. Joyo

     /  March 6, 2010

    korekness… di lalo naman dito ang aga-aga pero parang alas dos ng tanghali ang init!🙄

    Reply
    • hala, tapos naka-abaya ka pa? aircon naman yata ang mga gusaling pinupuntahan at tinitirhan mo eh… may brownout din ba diyan?

      Reply
      • Joyo

         /  March 7, 2010

        hindi kami nag-aabaya sa dubai my friend🙂

        Reply
        • problemang malaki siguro ang mga pawisin, ano? haha

          mas presko kaya sa kanila ang naka-abaya kasi balot na balot sila?

          Reply
          • Joyo

             /  March 15, 2010

            uhmm hindi kasi yung madam namin naiinitan siya sa suot noya kaso no choice siya… sinuot niya yun, kailangan panindigan niya😀

            Reply
  10. bawasan ang pag ah…ah…ah sa gabi.

    Kontrol sa paglobo ng populasyon, hindi pa maiinitan.

    Nagbabago talaga ang panahon.

    Nagbabago Tari.

    Reply
  11. Hahaha, parang bastos ang dating sa ‘kin ng tulang ‘to tar! Hahaha. Lalo na yung kailangan magpapawis, tas may nakasubo pang yelo ano yun! Harhar! Pero ang galing! Anak ka ni rizal!

    Reply
    • Hala yin, tubig lang yung yelo, water in solid state yaiks pagpalamig, pamatid-uhaw toinks haha

      Thanks, yin.

      Ha? Anak ako ni jasonhamster?

      Reply
  12. jason

     /  March 7, 2010

    kuya taribong hanggang ngayon mainit pa din nakakayamot na. hahahh

    Reply
    • Init nga eh. pinasok ko na rin sa loob ng bahay ang ilang halaman, para medyo lumamig, at mag-improve ang oxygen-carbon dioxide cycle haha

      Reply
      • mtoni

         /  March 8, 2010

        korekness, ganyan din gawa ko pag sobrang init dito. tsaka pili ka mga halaman na ornamental at natural indoor purifier.
        paborito ko ung pothos or money plant.

        Reply
  13. pruelpo

     /  March 7, 2010

    di bale na pawisan ng pawisan, wag mawawalan ng inumin – malilinis ang toxins sa katawan. epektibo yan. napadaan lang.

    Reply
    • Nakopo, nagbabadya ngang kokonti (wag naman sanang mawalan) ng tubig dito, malaking problema kapag nagkataon… Salamat sa pagdaan pruelpo.

      Reply
  14. jex009

     /  March 7, 2010

    parang si makata-tawanan ng talentadong pinoy😀

    Lagi lang ako naghahalo-halo para maibsan yung init jeje

    Reply
    • Wow sarap niyan at lagyan ng sangkatutak na gatas. Makapaghalo-halo nga sa kabilang kanto haha

      Reply
  15. lumusong sa beach! yey!! SUMMER na!!!

    Reply
  16. Mr. Nonsense

     /  March 8, 2010

    kawawa naman si kulikuli sa panahong ito…

    Reply
  17. Mr. Nonsense

     /  March 8, 2010

    nagtataka rito ang mga kano kung bakit raw ang pinas, nasa gitna ng dagat, ay mainit…at hindi ako marunong lumangoy…

    Reply
  18. waah! naisip ko bigla ang brownout dito…5 hours everyday since march 1..whew!

    magaling kuya..kakaiba..hahaha

    mainit? lumosong sa beach…gusto ko tuloy umuwi sa probinsya namin…kahit araw-araw maligo sa dagat walang problema…

    Reply
    • … masaya kapag brownout sa office, wala work hehehe toinks…

      buti ang dagat sa inyo maluwang at malinis… makapunta na sana ulit ako ng beach hehehe…

      Reply
  19. Oo nga. True kahit na maghapon akong kumain ng ice cream mainit pa rin!

    Reply
  20. mtoni

     /  March 9, 2010

    aba at nagayos din ng bloghay ang kuya Tarbs.

    nagasayaaten.. ken nalamiis ti kolor na.

    Reply
    • ayna imbag a ta nagustoam adingko. Namin-ano nga binaliwak. Nagpudot ngamin hehehe

      Ayos, mtoni. Agyamanak iti panagbisitam. Mangrugi ka gamin nga ag-blog tapno kanayonka a bisitaen haha. Dios ti agngina, adingko.

      Reply
  21. dito sa amin kahit may paminsan-minsan ulan ay sizzling hot pa rin during the day…

    Reply
    • umambon daw po kahapon, pero hindi ko po naramdaman.
      sa gabi, hindi naman kasing-init nung mga nagdaang araw..
      at kaninang umaga, pagpunta ko ng marikina, makulimlim, may mga nabubuong mga ulap, at may konting patak ng ambon na hindi naituloy dahil lumabas ang araw. hayst, mainit po ulit…

      Reply
  22. jason

     /  March 10, 2010

    magandang gabi kuya taribong!

    grabe talaga. naka number 2 na ang iliktrik pan at nakatapat saken ang inet pa din.

    shaks

    Reply
    • maglagay ka ng yelo (ilagay mo sa lalagyan) sa may likod ng electric fan, para yung hihigopin at ibubuga sa yo ay pinalamig na hangin hehehe

      Reply
  23. nanibago ako dito sa site mo ah, akala ko naliligaw na ko..

    uu super init ngayon, ang sarap magswimming sa cold spring..

    Reply
    • Pasensiya na po at mainit hehehe

      oo nga, kaya lang hindi kaya nagsisituyoan na rin ang mga bukal ngayon? dun sa nueva ecija nga, natutuyo ang ilog, hayst, ang init na nga…

      Reply
  24. Wala na akong masabi Taribong.
    Ramdam na ramdam ko ang init dyan.
    Ito na lang ang masasabi ko.
    Kumbidado kita dito sa bahay namin.
    Wag lang kalimutan na magdala ng jacket.

    Nagmamahal,
    Tats

    Reply
  25. uhmmm lalo tuloy uminit nung nabasa ko toh. waaahhh. png gabi ako kaya sa umaga hnd naako makatulog sa sobrang init. whooooo

    Reply
    • taribong

       /  March 18, 2010

      hala uminom ka muna ng malamig na tubig para maski papano ay mapawi ng konti ang init. Sumilong ka muna dine at magpahangin hehehe. MAraming salamat sa pagdalaw…

      Reply
  26. Sa panahong hangin ay salat,
    Tayo sa dagat at mag inat
    Basurang sa ilog may kalat,
    Dahil sa kanta ng pulitiko’y sumikat
    Ang inet, ang kalat…
    isang YELO (yellow) ang katapat!

    (hmm.. walang endorsement yan)
    Ahihihi… napadaan po! ^^

    Reply
    • taribong

       /  March 18, 2010

      hahaha ayos ah! Galing! maraming salamat sa pagdalaw teentoinks at congratulations sa inyo ni Tats! Doble galing!!! heheheh

      Reply
  27. sobrang HOTNESS talaga ngayon..haha!😀 marami tuloy nahi-heat stroke..

    Reply
  28. Agree. Ay grabe. Kumilos ka po’t hindi, sobrang init talaga. Errr. Buti po umulan this afternoon.😀

    Hi Kuya Taribs. Pano mo po nalaman yung sa EDSP? O____O

    Reply
  29. Ayan tagtuyot na tar! Kasalanan mo to!

    Reply
  1. 2010 in review « ang alingawngaw ng taribong. . .

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: