abo

Abot-langit ang saya kapag ikaw ang kasama

Ngunit di makaporma dahil meron kang iba

Pero nung kayo’y maghiwalay, lihim akong natuwa

Habang sa balikat ko’y pinapawi ang luha

Best friends, yan ang turing natin sa isa’t isa

Ngunit sa  paglaon, na-develop na  yata

Itong damdamin naging pagsinta

Pa’no nangyari? Ewan ko ba…

Pinatahan kita,  pinayuhang limutin siya

Nang-iwan, nang-away, nang-ayaw: lintik siya

Dama ko ang iyong hinagpis at lumbay

Ngunit sa  loob ko, hindi ako mapalagay

Nahihirapan akong makita’t marinig kang malungkot

Nakapangalumbaba, umiiyak sa sulok

Nais na hangoin, minamahal  kong ikaw

Sa iyong kinasasadlakang daigdig na bughaw

Pahiwatig nitong pag-ibig na nagsusumigaw

Gusto nang ipaalam ngunit baka mabalahaw

Baka mawalang saysay ang pagkakaibigan

Kapag tunay na nararamdaman ay iyong malaman

Di ko na kayang maghintay pa’t baka si mokong bumalik pa

Muli kang bulagin, madala sa mga panlilinlang niya.

Di na titikisin ang damdamin, wagas na pag-ibig ay ipinararating

Aking dalangin na sana’y walang pasubaling tanggapin

Huwag sanang mabahala na ang pagkakaibigan baka masira

Kung ang pag-iibigan ay bigyang puwang, kahit isang tsansa

Wala namang masama na tayo’y mag-level up, at masayang magkapiling

Magmamahalan,  mag-iibigan, hanggang wakas, hanggang libing.

Previous Post
Next Post
Leave a comment

85 Comments

  1. lababo

     /  February 17, 2010

    wihew! ang hirap talaga pag magbestfriend tapos gustong lumebel up ng isa pero di sigurado kung gusto rin nung isa.
    Pero naaalala ko talaga yung bolpen nung elementary na di pindot, yung jumbo tapos may 12 na retractable na kulay. Yun ba ginamit mo? http://www.100-gift.com/uploads/upimg6/Jumbo_4_Colour_Ballpen_1457109.jpg

    Reply
    • Oo naman.
      Grade 4 yata ako gumamit nun. Pinag-iponan ko pa, dahil meron pa akong Reynold’s at Panda hehehe. Kaya lang ambilis maubos kasi kokonti ang laman na tinta ng bawat isa. At parating ginagamit sa laro sa papel na tirahan ng stars at triangles (pwede ring iba shapes, basta ibang kulay ang pangtira ng bawat manlalaro).

      Reply
      • lababo

         /  February 17, 2010

        di ko alam yung may stars na laro. ang alam ko yung parang map na sinusundan mo habang nasa ilalim ng papel yung ballpen. Ang resulta, nagtataeng bolpens. Ayaw nang sumulat.
        Waw yamaaan! Reynold’s at Panda at may makukulay na bolpen!

        Reply
        • yung reynold’s hindi nagamit nung grade 3. yung panda, nakapangalahati na ang tinta.
          nagtataeng bolpen, iniiwan namin dati sa mga lalagyan ng bolpen ng titser, badtrip siya kapag may kulay blue ang kanyang kamay haha

          Reply
          • lababo

             /  February 17, 2010

            ilang milenyo na ang nakalipas? wahahaha
            palagi na nga lang napagtitripan ang mga teachers eh haha.
            Dati kasi Pilot gamit ko. LOL
            Yung G-tech.

            Reply
          • Wow. Haha mga 2 1/2 dekada na ang nakararaan. Ikaw pala mayaman hehehe. 4th year high school lang ako nag-pilot signpen. Sa college na lang ako gumamit ng pilot ballpen. G-tech ngayong may work na lang

            Reply
          • wow! sosyal, pilot during elementary..hahaha

            Reply
          • lababo

             /  February 17, 2010

            Joke lang yun. Ninanakaw ko lang yung pilot nung grade 5 at 6. Haha

            Reply
  2. ay! ayoko ng ganitong drama…haha

    mahirap mag-level up if di ka naman siguradong matutugunan ang nararamdaman mo… but if sheś worthy enough for the risk…bakit hindi?
    yon nga lang kelangan mong tanggapin na pwedeng pati pagkakaibigan nyo mawala…haays!

    Reply
  3. ang daming nagpo post ngayong araw na’to. wait lang. hehe.

    Reply
  4. hehehe feel na feel ko yung tagalog na tagalog!

    then sa dulo biglang nag-english, hehe.

    ano ba talaga ang tagalog ng “level up”?

    matanong nga si jk…

    Reply
    • Padz..depende sa ginamit na pangungusap o parirala.

      “Wala namang masama na tayo’y mag-level up, at masayang magkapiling
      “- Taribong

      Wala namang masama na tayo’y pumailanlang paitaas, at masayang magkapiling”- J.Kulisap

      Reply
  5. Shux todo relate ko pramis. Hahaha. Amp.

    Sa kaso ko nga lang, kinaya ko naman sabihin sa kanya, pero nung una nagmukmok lang din ako sa sulok. Tapos ayun, nasira na buhay ko. Haha.

    Reply
  6. mtoni

     /  February 18, 2010

    tapos na balentayn pero..

    siguro kuya tarbs kung barkada lang turingan ok magpakita ng interes sa kalaonan pero kung halos kapatid na turing sayo ng kabila eh nakakaasiwa.

    pero alang mawawala kung susubukan kesa maging negatibo at malaman me pag-asa pala kung kelan huli na lahat.

    Reply
    • taribong

       /  February 19, 2010

      … sana nga maka-homerun hehehe. Maraming salamat, mtoni. Hanggang sa muli.

      Reply
  7. ano bang pwede kong ibahagi dito Tar.

    Iba kapag bff mo..sanggang dikit tapos biglang magkaka L ka sa kaniya di ba..pero ganun talaga mas mainam nga daw na magkaibigan ang magjowa para kilala na ang isa’t isa.

    Reply
    • taribong

       /  February 19, 2010

      hehehe siguro kailangan munang dumaan ng abcdefghijk bago mahinog ang L sa kanya….

      Reply
  8. Joyo

     /  February 18, 2010

    taribong! hehehehe first time ko dito pwede bang magwish? hihihi…

    sino naman yang napakaswerte na tinutulaan mo… share naman😀

    Reply
    • taribong

       /  February 18, 2010

      ah… eh… baka tukahin at kalmotin ako ng kanyang kalaykay (chick kasi hehehe korni ba? peyborit nga niya ang mais, toinks…) ahehehe wag muna, kapag nalaman na niya ang aking pahiwatig, saka ko share, whatever the outcome is. Ayos? Maraming salamat sa pagdalaw. Dalawin din kita sa site mo……

      Reply
    • parang simbahan lang ang blog ah!

      Reply
  9. Woah. May ganitong tula ka na ngayown?

    Hanggang abo na talaga ang pag-ibig mo Kuya Bong! Ayos ah, hanggang kamatayan. Ahasin mo na yang kaibigan mo. Haha.

    Seriously, ganun talaga. May mga friends na walang level up.

    Okay lang yan. Baka may isa kang friend na ikaw naman ang gusto kaso ayaw mo naman. Aw.

    Reply
    • taribong

       /  February 19, 2010

      Hala, ahasin– para lang ulupong, lilingkisin ko siya at lululunin nang buong buo. hehehe!
      (Sana may 1UP din kapag hindi naging matagumpay…)

      Reply
  10. aba parang yung movie ni kim at gerald ba toh?? para ring laro lang sa pc ano, kailangan mg level up.. oo nga naman, mahirap nga yan, subalit kailangan talaga natin maging matapang…

    Reply
    • taribong

       /  February 19, 2010

      Maraming salamat sa pagdalaw jongskie721. Sana nga may script para sigurado ko ang ending. Kaya lang ganito talaga ang teleserye ng totoong buhay (para namang artistahin, hehehe)… Hanggang sa muli.

      Reply
  11. Saludo ako sa Pag-ibig mo Taribong na hanggang libing.

    Dahil sinabi mo: “Aking dalangin…”…naniniwala ako na ibibigay sa iyo ng Diyos ang gabay at ipagkakaloob ang nararapat sa kahilingan ng iyong puso.

    Huwag mag-alala…ang iyong puso at Diyos ang iyong gabay.

    Naandito rin kami para idalangin ang iyong pag-ibig.

    Reply
    • taribong

       /  February 19, 2010

      Sana nga po ay yumabong haha… It’s either bloom or doom. Pero kung hindi mapagtagumpayan ang hamon, muling sisilang mula sa abo, parang phoenix lang hehehe.

      Maraming salamat po, Tats. Hanggang sa muli.

      Reply
  12. jason

     /  February 19, 2010

    kahit maraming nagsasabing mahirap yan, kapag sinubukan naman walang masama. at least nagtry ka. hindi ba karamihan sa mga relationships ngayon ay nagsimula sa magbesprens? mas kilala nyo ang isat isa. mahal mo siya mahal ka nya lahat ng kahinaan mo tanggap nya. lahat ng mabaho sa kanya mabango para sayo. lahat ng pangit nagiging maganda.
    ang ganda ng tula kuya. napakalaya ng pagkakasulat.
    ang mahalaga-masaya. tama ba?

    Reply
    • taribong

       /  February 19, 2010

      Nadali mo, jasonhamster. Isang malaking tsek para sa iyo! (parang titser lang waaah) Sana maging masaya tayong lahat hehehehe.

      Reply
  13. mahirap talaga pag opposite sex ang bestfriend, pwedeng magkadevelopan, lalo na kung maganda.. naku, kay ang moral lesson, kapag maganda at mabaet ang kaibigan, wag gawing bestfriend, gawing girlfriend agad.. haha

    Reply
  14. The saddest love stories are the ones which are untold. Hay.😦 Sayang yung mga pwedeng mangyari. Hahaha.

    Parehas na parehas po ito ng story ng kaklase ko ah. Pati ng best friend nyang naging boy friend nya. We’re worried kasi pag nagbreak sila mahirap ibalik ang friendship.

    Reply
    • taribong

       /  February 26, 2010

      Pero di ba, mas madali nilang dinadala yung relationship nila?

      Reply
      • Actually, di po.😐 Kasi tatlo silang magbebestfriend, tapos nainlove yung dalawa sa iisang babae. Boom.

        Reply
  15. mas maganda nga kasing investment sa pag-ibig ang pagiging magbespren!! tama ba kuya taribong?

    Reply
    • taribong

       /  February 26, 2010

      yap. at siyempre, magkapalagayang loob na kayo sa isa’t isa although sa umpisa, medyo ilang, may adjustments o fine tuning pa hehehe…

      Reply
  16. pruelpo

     /  February 21, 2010

    ganda naman ng tula mo taribong. ibig sabihin igan ang salitang best friends ay malimit mong gamitin para sa isang mapagbirong relasyon? Ilan na ba igan ang naging best friends mo? (joke lang) musta?

    Reply
    • taribong

       /  February 26, 2010

      Kung best friend ang tawag sa akin ng kaibigan kong babae, e di best friend ko na rin sila hehehehe… nangtitiklo naman po kayo eh hehehehe

      Reply
  17. ajlation

     /  February 22, 2010

    ano ‘to PAANO NA KAYA? haha
    bihira na yata ako makakita at makabasa nang
    likha nang isang makata kaya keep it up taribong
    hay ….pag katapos nang revelation oh ano na nang yari

    Reply
  18. hays, ang mag best of friends nga naman.. naglilihiman minsan.. hehehe

    Reply
  19. Update:
    XX: Ok ang message ng tula, at naapreciate ko. Kaya lang, may mga konting aayusin sa tula, para maging smooth ang flow ng lahat. Hindi ako magiging fair kung magmamadali rin ako kasi hindi madali ang lumimot. Salamat talaga. Kahit anupaman, sana ganon pa rin tayo…

    Reply
  20. Joyo

     /  February 24, 2010

    nakikibalita lang…😆 may dala akong hinog na mangga!

    Reply
  21. hahaha, ngayon lang ako nakapaglibot. ikaw pala ang tumutudla dito eh! wuuuh! eh tol ano na nga yung bolpen na mahaba tapos pwede mo i-bend? haba-haba?

    Reply
    • taribong

       /  February 26, 2010

      yung scribbler na mahaba? meron nga ding haba-haba ballpen dati noong unang panahon hehehe…

      Reply
  22. level up ka na nga, tarbs!

    teka, bakit abo? tsaka ano yung update? sagot ba niya? hala naintriga ako!!!

    Reply
    • taribong

       /  February 26, 2010

      (i) ash wednesday po kasi noong aking isinulat ang tula hehe
      (ii) nag-aalab po kasi ang aking damdamin na kung hindi ko maibulalas e masusunog ako at magiging abo.
      (iii) baka kung malaman po niya ang aking nararamdaman ay tititigan niya ako hanggang sa ang kanyang kapangyarihan ay sisilab at ako ay kanyang liliyaban
      (iv) kung tatanggapin niya ang aking pag-ibig ay magpapatuloy ang apoy hanggang sa matupok ang ningas
      (v) kung magkasunog o anupaman, mula sa abo ay isang bagong yugto (parang sa alamat ng phoenix hehehe)

      Reply
  23. Kamusta Tar?

    Sapagkat ako naman ay natawa sa iyong sagot, maaari bang ibahagi mo pa ang kahusayan ng iyong paliwanag.

    Hinahanap ko ang kasagutan mula sa iyo.

    Sa taong isang mabuti ang kalooban.

    Salamat po.

    Reply
  24. It reminds me of my first love.

    I was the one who admitted. :))

    The thing is, you’ll never know the answer if you don’t ask.

    If you’re important to him/her, s/he will not disregard your friendship.

    I hope for the best.🙂

    Reply
    • taribong

       /  February 27, 2010

      Thank you very much. Haha, my first love was at a very early age, and then, we had to part ways. And i never heard of her since… parang pelikula lang hehehe….

      Reply
    • HAHA, me too. I was only 14 then. Still his memory haunts me pero we had never talked for four years. Until I saw him again. And,, yun telenobela rin story namin e. HAHA.

      Reply
  25. ui wala namang ganyanan. masyado na akong natatadtad ng mga tulang heartbroken.
    gusto mo ng happy ending na bestpren to lover story, nood ka ng pano na kaya? matatawa ka na lang kasi ang fail fail ng mga props nila! asar!

    Reply
    • taribong

       /  February 27, 2010

      na-intriga ako sa sinabi mo. makahanap nga ng may kopya ng sinasabi mong palabas. Sige, sa susunod masaya naman ang isusulat ko hehehe

      Reply
  26. Goodmorning Taribongbong! Inom muna gatas! Wakapakaboom!

    Reply
  27. Mr. Nonsense

     /  March 1, 2010

    sino ba ang tinuturing mo rito? si VaJJ?
    break na pala sila ni JKul

    Reply
    • Mr. Nonsense

       /  March 1, 2010

      tinutukoy pala…di tinuturing. yun kasing pangalan mo nakakailang…

      Reply
  28. aawww… parang yung palabas nila king chu at gerald, gerald salongga… heheheh

    ang hirap magmahal ng best friend lalo na at alam mo sa huli na kapag nasira ang relasyon, mas doble ang masisira, pero why not di ba.

    taribong tapos na ang panaginip ko, halika isasama kita.

    Reply
    • taribong

       /  March 4, 2010

      Wag lang sana maging bangungot ang panaginip ko hehe. Sige, tara muna dun sa blog-hay mo hehe.

      Reply
  29. wow kinikilig ako..

    ang hirap talaga kapag nainlove ka sa bestfriend ano??

    yun pinag iisipan dun eh baka nga naman masira ang friendship kapag naging kayo.. pero kung sincere ka naman sa kanya gogogo..

    haiisss ang sarap ulit ulitin basahin nito..

    Reply
    • taribong

       /  March 4, 2010

      Wow, talaga?! Maraming salamat sa pagdalaw. Balik ka ulit ha? Ang ganda naman ng pangalan mo. Bagay sa iyo, kasi ang ganda mo hehe .. Hanggang sa muli.

      Reply
  30. guilty ako dito beyond reasonable doubt.. hirap😐

    Reply
  31. Mr. Nonsense

     /  March 5, 2010

    ako rin inluv ako sa bespren ko….in luv ako ke misis…

    Reply
  32. ano bang mayron dito..

    Reply
  1. 2010 in review « ang alingawngaw ng taribong. . .

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: