dHrInKed*

(Babala:  Ang susunod na salaysay ay kinapapalooban ng hindi kaaya-ayang tagpo.  Huwag pamarisan.)

Mula  sa  tatluhang upuang panlima mula  sa  drayber  ay lumipat  ako sa pinakaharap na pandalawahan malapit sa  pintuan ng aircon bus.  Umupo sa tabi ko ang konduktor.

“Ayaw talaga  magising,  eh.   Kanina ko pa siya niyuyugyog,”  sabi ng konduktor sa  drayber.  Tumingin ako sa aking likuran.   Hindi ko makita ang sinasabing ginigising.  Nakasalampak siguro ito.

“Nakalampas  na yata  siya.    Kanina pa yan tulog ah.” Sabi ng drayber.  Mag-aalas dose  na  nga  ng gabi.   Dapat nga ay tulog na rin ako,  pero may tinapos  ako sa opisina  kaya kailangang mag-overtime.  Ngayon pa lang ako uuwi.

Lumingon ako ulit sa likuran.  May tatlong pasahero  akong nabilang. Nakita kong tumayo ang isang ale,  bitbit ang kanyang yellow-green na malaking plastic bag  at isang punumpunong itim na knapsack. Lumipat siya sa dati kong kinauupuan.

“Lasing yata yun,” malakas na sabi ng babae.  Napalingon din sa likuran ang lalaking nasa likod ng drayber.   Iilan na nga lang  kaming pasahero sa aircon bus.

Mamaya, may isang lalaking tumayo,   para siyang  matutumba.  Halatang lasing,  lalo na’t namumula at mapupungay ang mata. Pasuray siyang lumipat sa kabilang upuan,  doon sa pampitong pantatluhang upuan, sumalampak siya sa upuan.

Mga ilang sandali pa,  tumayo uli ito at pasuray-suray siyang lumipat sa likurang upuan ng ale.  Biglang napatingin sa kanya yung ale.   “Ay, ayy, ayyy” bigkas  ng ale, habang siya’y napatayo at lumipat sa pangalawang  pantatluhang upuan.   Ilang saglit lang ang pagitan,  bumulwak ang unang bugso ng kung-anuman-yun mula sa bibig ng lasing na lalaki.   Kung hindi nakaiwas ang ale,  malamang sa kanya bumuhos  ang kung-anuman-yun.

Sa pagkakatayo, sumandal ang lalaki  sa dingding na salamin ng  bus.   Parang matutumba na talaga siya dahil sa uga ng bus habang bumibiyahe.

“Parang  umiihi na siya,” sabi ko sa konduktor na nakaupo sa tabi ko.

“Ay,  putik,” bulalas ng konduktor.

“Ay,   ayyy,  ayyyyy,” mas  malakas na sabi ng ale,  habang itinaas niya sa upuan ang kanyang malaking plastic bag na nasa lapag.  Nasa tabi na niya ang kanyang mga daladala. Itinaas na rin niya ang kanyang mga paa sa upuan.  Payat ang babae kaya niya naibaluktot  ang kanyang mga paa, habang malayang dumaloy sa  ilalim  ng mga upuan papunta sa harapan ang kung-anuman-yun, sanga-sanga ang  pagdaloy dahil sa takbo ng  bus.  Nakaihi na nga ang lasing na lalaki.

“Gago talaga.  Iinom-inom  tapos  magkakalat  sa  bus.”  Halatang inis na ang drayber. “Pababain mo na, itatabi ko lang”  pagalit nang utos niya sa konduktor.    “Kung dito natin  ibababa,  baka masagasaan pa  yan.  Kargo pa natin,” pahabol na sabi ng drayber.

Lumapit ang konduktor sa lalaki. Kinuha ang bag ng lalaki sa dati nitong  kinauupuan at ibinigay ito sa kanya.  Hindi inabot ng lalaki ang kanyang bag.   Nananatili itong nakasandal sa  salaming dingding.

Inilagay ng konduktor  ang bag sa upuan,  napaupo ang lalaki.  “bumaba ka na rito pagkapara ng bus.  Itatabi na lang.”  Pabulyaw na utos ng konduktor sa lalaki.

Walang imik ang lalaki, sumalampak ulit ito sa upuan.

Mabilis na ipinarada ng drayber ang bus sa tabi, malapit sa Baliwag Transit sa  may Cubao.  Tumayo ang drayber at  pinuntahan ang lalaki.

Binitbit  ng drayber ang lalaki mula  sa kanyang upuan. Mas maliit ang drayber kesa  sa lalaki pero  nagawa  niya itong  bitbitin gamit  ang dalawang  kamay sa balikat ng lalaki.    “Huwag kang iinom,   kung hindi mo kaya.   Hala,   bumaba ka.  Ginawa mong CR itong bus. Buti kung ikaw maglilinis niyan. ”

“Hindi pa  agad matatanggal  ang amoy niyan,” sabad ng ale,  na nakabaluktot  pa  rin ang paa sa upuan.

Pahampas sa dibdib na ibinigay ng drayber ang maliit na bag ng lalaki.

Bantulot  na tumalikod  ang lalaki pero  wala  siyang magawa,  ipagtutulakan na siya ng drayber at konduktor. Sapat na  iyon para  pasuray-suray na bumaba ang  lalaki, dala  ang kanyang maliit na bag.

Pagkababa ng lasing na lalaki, sumalampak  ang drayber sa harap ng manibela. Bahagyang isinarado ang pinto at pinatakbo  muli ang bus.  “Nagsisiper pa nung datnan ko eh.” Pabulong na sabi ng drayber habang iiling-iling.

Sa may kalsada,   nakakaawa  ang  itsura ng lasing na lalaki.  Nakatingin sa drayber at sa konduktor,  parang walang kamalay-malay sa kanyang ginawa o sa mga nangyari sa loob ng bus.    Nahihimasmasan na siya siguro.  Hinabol  na lang niya ng tingin ang papalayong bus.

Sa muling pagtakbo ng bus, tuluyang nawala  sa paningin ko ang lasing na lalaki. At  matiwasay naman ako nakauwi ng bahay…

O paano?    Tara, inom tayo?

(*dHrInKed –  ang past tense ng drink (inom) ay drank at ang past participle  naman nito ay drunk.   At kapag nakainom ang  isang  tao,   siya ay dHrInKed.  hik * )

Previous Post
Next Post
Leave a comment

53 Comments

  1. Hi Kuya Taribong! Aina here from The Pancake Batter Anomaly.😀 Thank you po ulit!🙂

    Hay, ito ang ikinakatakot ko sa alak eh. Hehe. Sabi kasi ng mga kakilala ko, once daw na tipsy ka na, mahirap na raw i-control yung actions. I tasted alcohol once. Di pa po marami yun, so wala po ako mairelate masyado. Hehe!😀 /sabog mode

    Reply
    • taribong

       /  December 11, 2009

      Hello, Aina! Congrats sa pagkapanalo mo sa RSSPC, ang galing mo at proud ako sa iyo!!! Mag-aral ka mabuti ha? hehehe

      Nakop, bakit ngayong Parental Guidance ang post ko saka ka pa napadaan hehehe. Huwag mo munang pag-aralan ang pag-inom. Kung 18 ka na at kung alam mong kaya mong kontrolin ang sarili mo at may basbas ng iyong magulang (daming requisites hehehe), saka ka sumubok ng kahit konti lang at parating iisipin ang drink moderately. Huwag na huwag kang sumubok kapag sobrang lungkot o kaya naman sobrang saya ang nararamdaman. Huwag lalagpas sa limit na kaya ng katawan mo. Tsaka, huwag mong hayaang pilitin ka para uminom dahil alam mo kung kailan ka handa.

      Sa ngayon, heto muna ang orange juice, ponkan na ponkan ehhehehe

      Reply
    • Buti nalang hindi ako umiinom. *kidlats*

      Aina! 15 ka palang tumikim ka na ng alcohol?! Kukurutin kita at isusumbong sa kapitbahay nyo! Hahaha. Parang lolo lang eh.😛

      Reply
      • taribong

         /  December 12, 2009

        Vajarl, magtigil ka. Scientist si Aina, at tikim lang naman yun. Tsaka baka denatured o kaya ethyl alcohol yun, kailangan sa school hehehe toinks

        Reply
      • Nako kung tumikim si Aina ng Ethyl Alcohol, mukhang derecho sa rehab ang bagsak nyan. Sino ba naman makakaisip lumaklak ng Ethyl Alcohol? Haha.😛

        Reply
      • Hehe Joke lang po yun. Sorry. Mabait si Aina. Hindi po yan gagawa ng kalokohan. Ang dami nating bantay sa kanya. Isa siya sa kabataang maipagmamalaki natin sa buong mundo. Siya ang pag-asa ng ating bayan. Hehehe ang laking responsibilidad non.

        Maligayang pasko sa ating lahat.

        Reply
    • @Kuya Taribong: Nako, di po ako umiinom ah!😀 Wahaha! Yung section ko nga lang po ang bukod tanging seniors na hindi umiinom eh. Pero nakatikim na po ako, nung bata ako. Papa invited some friends para uminom, kakauwi lang nya kasi nun from Qatar. Eh mukhang masarap. Tumikim po ako from the bottle. Haha. Ang sagwa ng lasa. Haha. Ibinuga ko po eh.😀

      Kailangang kailangan ko po nyang ponkan juice na yan. Hehe.😀 Sore throat sucks. >_<

      Nako, bantay sarado po pala ako. Hehe. Di nyo ako maipagmamalaki. Ang dami ko pong kalokohan sa buhay. :p

      @Kuya Vajarl: Shax! Wahaha! Pero onting onti lang iniba ng beer ata yun sa ethyl alcohol. Hehe. Sinabi ng Chem teacher namin. Hay. Di po pati ako iinom, nakakamatay raw yung ng brain cells. Bobo na nga po ako, iinom pa po ako? Wahaha!😀

      Reply
      • kaye

         /  December 16, 2009

        whoa! You’re too modest, honey.

        Anyway, tama sina vajarl and kuya taribong mo. You should never drink due to peer pressure. And you should always maintain your identity and dignity. Just because others are doing it doesn’t mean you should, too. In any case, we’re sure you are a level-headed person who is mature for her age. Ü

        Reply
      • ayan Aina! tama sinabi ng ate Kaye mo! wag padala at wag magpapadala. kung talagang madesisyunan mo yan later sa buhay na uminom, ok lang basta handa ka magdala. tanong mo ate Kaye mo, marami yan alam sa inom. hehehe😀

        uy nalaman ko bright student ka kaya! science hs ka rin pala! mabuhay ang mga kabaro!!!

        *clap clap clap*

        Reply
  2. kaspangarigan

     /  December 11, 2009

    Nakakahiya ngang alalahanin ang mga naranasan ko nung ako’y nag-iinom pa.

    Feeling ko ako yata yung lalaking lasing na sinasabi mo.

    Ngayong ko lang napagtanto, kalake kong gago.🙂 hehehe

    Reply
    • taribong

       /  December 12, 2009

      Hehehe ako rin po ay may mga karanasan sa labis na kalasingan pero umiiwas na ako na maulit pa ang mga iyon (hindi naman katulad nung mama na umihi sa bus tsk tsk tsk)
      Maraming salamat sa pagdalaw poreksampol hehehehe Hanggang sa muli…

      Reply
  3. I’m sure di ako itong tinutukoy ng entry na ito, hahaha! loko-loko talaga…

    Reply
    • taribong

       /  December 12, 2009

      hehehe Oo naman. Welcome po dito sa aking bloghay. Maraming salamat sa pagdalaw at maligayang pasko po sa inyo… Hanggang sa muli.

      Reply
  4. Hi Tari, mas gusto ko ito…Tari ng manok? Ang sakit kapag ipinalo sa kalaban, duguang lulugmok katulad ng lasing sa alak.

    ‘yan ang tunay na lalake, umiihi sa salawal kapag lasing, ang panghe mo pare. Matakaw sa alak ang mga ganyan pero hindi ko rin naman masisi, pinagdaanan ko na yan pero natuto naman ako. Sa mga ganyan, kayabangan ang hindi pagtanggi kung hindi na kaya.

    pre salamat sa entry mo sa aking patimpalak.

    Kamusta ka? Paano ang Pasko mo Tari?

    Reply
    • taribong

       /  December 12, 2009

      Hehehe galing po sa tari ng manok ang aking pangalan. Matalas, makintab, nakamamatay…

      Napagtanto ko rin na hindi kailangang ubusin ang lahat ng alak sa isang upuan lang. At mas magaling ang taong matutong manindigan na hindi iinom kung ayaw niya talagang uminom.

      Ang aking inilahok sa inyong patimpalak ang sana’y aking ipo-post dito sa aking blogpost. Nag-aalangan lang ako dahil masyadong totoo ang nakasulat doon. Sana naman manalo maski papano…

      Ang pasko ni taribong ay katulad dun sa entry… Malamig. Cool.

      Reply
    • Mr. Nonsense

       /  December 12, 2009

      si kulisap kahit hindi lasing, umiihi sa salawal.

      Reply
  5. Mr. Nonsense

     /  December 12, 2009

    masarap lang na lak ay yung sa simbahan. sinubukan mo nang pumila nang limang beses? mas masaya pag ikaw ang server, lahat ng tira ay sa iyo (yun nga lang eh marami ring laway).

    Reply
    • hehehe may nabibili na nga na mass wine (mompo) sa mga grocery stores para siguro hindi na pipila ng limang beses at ang tira ay wala na ring laway heheehhe

      Reply
      • Mas gusto ni Jess ang maraming laway. Mas hayok siya don, di lang yan nag-iihi sa salawal, may tae na din yan sa brip.

        Reply
      • kaye

         /  December 16, 2009

        J.Kul naman e. Lalong sumakit ang likod ko katatawa sa sinulat mo dito. Anlakas ng dating e!

        Reply
      • hala nagkakabukingan na! nyahahahah! dibale in times like these, meron dyang TENA ha! hehehehe!

        happy new year sa lahat! hi Be! mwah mwah!😀

        Reply
    • hahaha. si daddy lagot! lakas pala makainom ng mompo!

      Reply
    • LOL nakakarelate ako sa sabi Jesse. dati rin ako sakristan kaya ginawa ko rin yan. Ang Mompo masarap at di gano nakakalasing kaya sulit tapos parang panulak yung di pa sagradong ostiya. nyahahah! (sorry Fr. Fiel ha? dati na yun! hehehe)

      kaya siguro talaga di ako natuto uminom ng sobra. kaya ko uminom kung gusto ko at dapat 2 bote lang. otherwise, baka nagba-babble na ko or masuray na ko ng konti. so dapat inom ako water or iced tea at diretso na sa cr para mawala ang epekto ng alak.

      Reply
  6. hayyy Alhak…nakaka-lashing….only in the Philippines yata ang stayl na kuwento mo Taribong…tsarappp uminommmm…hik!

    Reply
    • Ewan ko lang po, baka naman po meron din sa ibang bansa ang nakakaihi sa bus hehehehe
      Masarap po uminom lalo na kapag kasama mga kabarkada, lalo na yung angtagal niyo nang hindi nakikita. Huwag lang po sobra. Ano po iniinom ninyo? hehehe

      Reply
      • Maingat na ako dito sa pag-inom…mahirap at mahal ang mahuling nakakainom dito…mahirap gumawa ng kalokohan dito kahit yang pag-ihi ihi(kahit sa kalye…di puwede)…isang tawag lang sa selpon…andyan agad ang pulis. Dyan sa atin lalo na ngayong papasko nuon…hataw ako sa inom at madaling araw ang uwi…pero nagtitira naman ako ng konting katinuan sa pagmamaneho…Ang iniinom ko madalas ay light beer, red/white wine & yung mga masasarap na stetside na alak…pero di na ako nagpapakalango…pampapogi lang ika nga sa atin…hehe hayy nakaka miss ang selebrasyong Pinoy.

        Ingat lagi sa mga lashing ngayong panahon ng kapaskuhan.

        Reply
      • taribong

         /  December 15, 2009

        Ako din po sa kolehiyo, puro kayabangan sa pag-inom, lahat ng klase ng alak sinusubokan. Nagsimula din sa patikim-tikim hanggang sa naging suwabe na sa lalamunan. Inaabot din ng madaling araw. Minsan mag-uumaga na hehehe. At straight english ang salita hehehe Pag kulang ang budget, merong nag-eexperiment gayahin ang bailey’s etc.
        Madami ring kalokohan wahahaha. Pinaka-memorable sa lahat yung patagalan sa paghiga sa matarik na kalye at may pababang sasakyan. Siyempre panalo hehehe. At naging bukambibig sa iskul “kasama yan sa humiga sa kalye” hehehe. Meron ding pumasok ng iskul na nakainom at nakipagdiskusyon sa napakagandang propesora toinks.. wapak…
        Pero ito’y mga bahagi na lang ng nakaraan. hinay-hinay na lang po ako magmula mga 4 years ago. hindi ko maalala ang mga nangyari dahil sa kalasingan: hinatid ako ng kaibigan sa bahay, ang ingay ko daw, mainitin ang ulo, galit sa mundo, parang naghahanap ng away. At ayaw ko na maulit iyon….

        Reply
  7. hindi ko pa naman nasubukan yun, wawa naman mokong na yun walang tropang naghatid sa kaniya, hehe.. buti hindi ikaw nasukaan pare!! =p

    Reply
    • hindi, ang layo ko sa kanya. Bago pa ako ay yung konduktor muna hehehhe. yung ale, magaling ang reflexes, nakailag. maski ang ilog sa baba ng upuan, nailagan din hehehe

      Reply
  8. hahaha. mabuti na lang di ako lasinggo. wahahahaha. pero may mga kakilala talaga akong ganyan na kung makainom ay parang end of the world na bukas. lol.

    Reply
  9. pucha, iinom inom di kaya buset na yan sarap sipain palabas ng bus

    Reply
  10. lababo

     /  December 14, 2009

    di mo man lang ako pinagtanggol. kala ko kasi nasa damuhan ako kaya dun ako umihi. grabe kayo. >_<

    Reply
    • taribong

       /  December 14, 2009

      ayos naman eh. binaba ka sa tabi, at tignan mo nakauwi ka rin hehe. tsaka hindi ka sinaktan ng galit na galit na drayber hehehe kapag pinatulan ka at sinaktan, ibang usapan na iyon…

      Reply
    • kaye

       /  December 16, 2009

      hahaha! Labs, wag mo ko patayin ha. Pero napaisip ako while reading, kung ano kaya at ikaw yung lalaking yun? Joke. Peace!

      Reply
    • lababo

       /  December 16, 2009

      sa kyut kong to, baka sakaling mabawasan ng konti yung ginawa nung bus driver at nung ale. Pero papalabasin pa rin ako. hehe

      Reply
    • lababs, pagtatanggol kita! imposibleng kaw! kasi Cubao na yun e. not unless may inuuwian ka na sa north e diba taga-south ka?!? hehehe
      lulusot ba?!? heheheh😀

      Reply
  11. rule pag-iinom..wag na wag isusuka ang nainom…sayang lang ang pinambili mo…yon ang sabi ng tatay ko…kaya hanggang tikim lang ako…gusto lang malaman ang mga lasa ng alak….may allergy din kasi sa liquor…pero pag trip… may stock na pulang kabayo sa ref…. minsanan lang din…pang-iwas dysmenorrhea.

    Reply
  12. kaye

     /  December 16, 2009

    yan ang di maganda sa maraming pinoy…inom ng inom di naman kayang dalhin ang sarili. Maraming paalaga, nananakit ng kapwa lalo mga asawa, at gumagawa ng kababalaghan tulad nung nakasakay mo. Buti na lang at di mahilig uminom si Bong. Yun ang isa sa mga nagustuhan ko sa kanya e.

    Tara, pizza at DQ na lang tayo!

    Reply
    • lababo

       /  December 16, 2009

      pizza ako! yehey!
      awts, mahilig akong uminom eh, pero pag niyaya lang ako. Tsaka di pa naman ako umabot sa kagaya nung nasa bus. Usually pag gusto kong magpakabangag, sa bahay lang ako or with people whom I trust na hindi ako papabayaan. wehehehe

      Reply
    • taribong

       /  December 17, 2009

      Pizza at DQ party na!!!

      Reply
    • lababo

       /  December 17, 2009

      totoo ba to? hala naeexcite ako! masama pa naman maburst ang excitement ko, nag-aamok ako nang walang humpay. hehehehehe

      Reply
    • tuloy na kasi natin yang EB DQ and pizza party. basta ok na si kaye after her operation and recuperation period, let’s set it.😀 game na!!!!

      hi tarbs! hi lababs!😀

      Reply
      • lababo

         /  January 8, 2010

        di ba ngayong friday yung operation kuya bong? kmusta?

        Reply
      • Hi bongkito! hi lababs!
        isinasama ko na rin si kaye sa aking mga panalangin para magamot na ang kanyang dinaramdam at tuluyan na siyang gumaling! para game na!!!! hehehe

        Reply
      • oks na surgery. waiting na lang kami kasi she still has to stay in the recovery room pa for 2 hours. but her surgeon/cuz has already visited us and explained everything that has happened. so far, she’s stable but still groggy. will keep you posted guys! thanks for the prayers!

        Reply
  13. sa totoo lang dalawang sides kasi yang pag-iinom e. una, mahirap yang maging bisyo kung di mo kakayanin o kung alam mong di mo madadala sarili mo. gaya nung kwento ni tarbs, posibleng malala pa inabot nung lalaki kahit gano man sya nakakaawa tignan! wala kasi excuse ang sobrang pag-iinom kung idadala mo naman sa ulo ang epekto nito. at pangalawa, mahirap lalo sa mga taong maging bisyo ang alak o pag-inom kung pipilitin mo lang kahit ayaw to ng katawan mo. marami ang ganyan kaya ko siguro nabanggit ito. heniweys, at least di na dinagdagan ng sakit nung drayber at konduktor yung estado ng lasing. mabuti na lang din at tamang desisyon na lang din pinababa sya. yun lang hirap nung “bakas” na iniwan nung lasing lalo na dun sa maglilinis! heheh gudlak na lang sa kanila!
    😀

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: