emo (tanaga)

(The Tanaga is a type of short Filipino poem, consisting of four lines with seven syllables each with the same rhyme at the end of each line — that is to say a 7-7-7-7 Syllabic verse. – http://en.wikipedia.org/wiki/Tanaga.)

Hangin ay malamig na

Mga gabi’y mahaba

Laging nasa isip ka

Puso ay nagdurusa.

Miss na miss  kita lagi

Luha  sa  mga  pisngi

Hindi maitatanggi

P’ano nga ba nangyari?

Handog mong saya’t galak

Ay maraming salamat

Ang pag-ibig kong tapat

Sa panahon lang salat.

Nagkaroon ng saysay

Ang  aking abang  buhay

Aking ipinagnilay

Bakit  nagkahiwalay?

Anong hatid na aral

Kasawiang kaytagal

Puso ba’y napapagal

Kahit tapat magmahal?

Sa pagsubok na ito

Kirot ay magugupo

Pangarap ma’y naglaho

Puso’y dapat matuto.

Dasal  na aking  sambit

Pasang kirot,  mawaglit

Sintang tunay, makamit

At sa langit, bumalik.

Previous Post
Next Post
Leave a comment

39 Comments

  1. Tanagang kailangang paglaanan ng oras pare. Ipagpaumanhin at ang damdamin ng iyong abang lingkod ay binabalot ng kapanglawan sa ngayon kung kaya’t walang kayang isambit ang aking kaisipan kundi ang magpuri lamang sa iyong gawa.

    Ang iyong ginawa ay nagpapaliwanag ng aking kasalukuyang kalagayan.

    Pinitik mo ang ugat na nagdurugtong sa aking puso at isipan.

    Reply
  2. talagang pipigain mo mga nakatagong tagalog namin sa baul noh, hahaha

    Reply
  3. kaye

     /  December 8, 2009

    ayus. at biglang may tula. at tanaga naman. talaga bang ito ay aral sa balarila o panitikan? ngayon ko lamang narinig ang salitang tanaga. salamat sa isang mahalagang aral.

    saludo talaga ako sayo, tarbs. talaga namang lumabas ng labis labis ang iyong pagkamakata dito.

    sino ka ba talaga?
    ikaw ay pakilala
    misteryo’y tapusin na
    larawa’y ipakita

    haha! yan ang request ko!

    Reply
    • Gravatar ko, hayan na
      Nasira ang camera
      Larawan ko’y kinuha
      Hahaha hahahaha

      Hayaang ganyan ang feys
      Itong nanguna sa beys
      Kasi namberd ar may deys
      Lapit ng ma-solb ang keys

      Kung sakaling G E B
      At natuloy ang parti
      Pag kuha ng prays, syempri
      Hindi na magkukubli… (hihihi hihihihi)

      Reply
      • kaye

         /  December 8, 2009

        hahaha! Tawa na naman ako ng tawa. Ikaw talaga. E pano masosolb, e wala nga tayong eb?

        Reply
  4. napaka makata naman.. hehe..

    ayan may request si ate kaye!🙂

    Reply
    • Hehehehe sinagot ko na ang request ni kaye hehehehehe (whew, tagaktak ang pawis…)
      Magandang araw, pinkdiaries. Salamat sa pagdaan. Hanggang sa muli.

      Reply
    • kaye

       /  December 8, 2009

      kainis yan, PD. Ayaw talaga magpakilala. Ang daya no?

      Reply
  5. Dorm Boy

     /  December 8, 2009

    ang galeng galeng naman ng Tanaga! Pwedeng pang emo! The best! Idol na kita Taribong! Gogogogo!

    Reply
    • Hala, nakopo… andaming mas higit na magagaling sa blogosperyo, wala sa kalingkingan nila ang nasa taas na dala lang ng init ng katawan hehhehehehe.
      Ayos Dormboy. Hanggang sa muli. Kelan ka uuwi ng Baguio?

      Reply
  6. bravo! sige taribong gawa ka lang ng gawa ng mga ganito! pag marami na ito, pwede ka ng makagawa ng isang libro. wow!

    Reply
  7. Hi Taribong,

    Salamat sa pag-share ng iyong abang talento
    Kami’y naway natutuwa at natututo
    Sana ay wag magsawa sa pagtuturo
    Sa aming isipang di pa buong-buo…

    Sa iyong itinuturong Tanaga…hehe

    Salamat muli!

    Reply
  8. salamat at may natutunan ako..ngayon ko lang narinig yung tanaga,hihihi biglang basa ko kanina eh tanga…sowee naman at ako pala ang tanga..ahahaha

    Reply
  9. binilang ko lahat.. haha.

    Reply
  10. Arekup, dinugo ako sa tagalog. Haha. Astigen master poet.🙂

    Reply
  11. shynyrd

     /  December 9, 2009

    ayos… halos lahat yata nakaka relate sa tanaga na ito ah.. basta ka emohan talaga… pati ako affected eh.. toinks…

    congrats sa base kontes..

    Reply
    • Heheheheh Maraming maraming salamat shynyrd. Sali ka din sa susunod na mga base contests. Mas malalaking papremyo ang nakalaan sa mga mananalo; maghahanap na rin si pads ng sangkatutak na papremyo hehehehe

      Reply
  12. nahilo ako kuya tarbs! ahahahaha putek! kaliwa kanan kaliwaaa

    tanaga tlga!

    ahihihi napaka makata naman….

    Reply
  13. aninipot

     /  December 10, 2009

    whew! nosebleed, di pa nga naka get-over sa dalit may bago na naman…tanaga….nananaga.

    Reply
    • Nakop, kuha ng panyo dali para maampat ang nosebleed hehehehe relaks lang, inom ng malamig na tubig hehehehe sige hindi muna ako tutula, sa susunod ay magkukuwento ulit ako hehehhehe Hanggang sa muli…..

      Reply
  14. Yes naman. Aba’t mahirap, napakahirap kayang gumawa nang ganyang tula! Kailanman, di pa ako nakagagawa ng anumang tula na may sukat.

    Salamat po sa pagdalaw sa aking pook-sapot at pag-iiwan ng comment. Dagdag ko kayo sa aking blogroll. Salamat.🙂

    Reply
    • taribong

       /  December 22, 2009

      Maraming salamat, xdalisayx. Ikararangal ko na ako’y mapabilang sa iyong blogroll. Hanggang sa muli…..

      Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: