usal: isang dalit*

(Talagang nakagigimbal  ang Maguindanao massacre na naganap  noong Nobyembre 23,  2009.  Kalunos-lunos ang sinapit  ng  limampu’t pitong taong walang awang  pinaslang.  Itong abang tula ay alay ko sa kanila at sa kanilang mga pamilya…)

 

Ang panaghoy ng damdamin

Mga buhay nang kitilin

Parang hayop ang kahambing.

Sila’y makabagong  Cain…

 

Panginoon, sana’y dinggin

Itong munting panalangin

Katarunga’y aming hiling

Salarin ay panagutin.

 

(Ang dalit ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng walong pantig kada taludtod, apat na taludtod  kada  saknong at may isahang tugmaan.  Depinisyon mula sa http://www.english-to-tagalog.com/tula.html.)

 

Previous Post
Next Post
Leave a comment

58 Comments

  1. panaghoy diringgin

    sa katarungang sinisigaw

    ng abang damdamin

    nawa’y managot ang salarin

    yan ang bugso ng damdamin.

    ay! hindi dalit ang ginawa ko..hehe……pero nakakalungkot isipin na may mga tao palang sing-tulad ng halimaw ang ugali….. sila sigoro ang mga halimaw na nagsi-anyong tao….kakalingkot at nakagalit ang nangyayari.

    Reply
  2. sabi ko na nga ba, poet of the year ka nung kinder ka, kuya Bong!

    Reply
    • wehehehe tanaga dapat yan, pero nung i-tsek ko kaninang umaga, ang tanaga pala ay 7777; kaya hanap ako sa tulang may 8888, buti meron, dalit daw ang tawag hehehehe

      ewan ko, mga tatlong beses lang ako sumulat ng ganyan, trip lang o kaya’y requirement hehehehe pero nung greyd payb ako, nakatanggap ako sa Linggo ng Wika ng isang supot na kendi, pinagpartehan ng buong klase, tig-dalawa bawat isa (pati titser at ako), dahil yata sa tula kong mahaba na pinasulat sa akin sa manila paper pero hindi natapos dahil nawalan ng tinta ang mga pentelpen, pero multi-colored dahil may black, mapusyaw na black, blue, mapusyaw na blue, yung dulo ay nasulat na lang sa lapis hehehehe pero yun dinala sa opis ng prinsipal….

      Reply
      • kaya pala.. nasabi mo na isusunod mo ang tanaga.. pero, nataga ka nung nalaman mong 7777 pala yown..

        haha.. at salamat sa nag-imbento ng 8888.

        Reply
      • nagsimula lang akong bumuo kagabi nang mag-text si padz tungkol sa Mindanao Week of Peace; tapos, susme mali ang bilang ng mga pantig bawat taludtod, riserts tuloy para may maipasa hehehehe tenks at merong katutubong tula na dalit hehehehe

        Reply
    • Mr. Nonsense

       /  December 2, 2009

      sino ulet
      ang mukhang pwet?

      ….tula yan ha

      Reply
  3. sigh, kakalungkot, wala akong word na masabi sa mga pangyayari.

    Reply
  4. Subukan ko pareng Bong.

    Bakit ang tao ay sakim?
    Lunod sa budhing maitim
    Pera’y hwag sanang sambahin
    Payak na buhay asamin

    Bayang pangako, mahalin
    Kristyano ka man o Muslim
    Ibigin ang kapwa natin
    Kapayapaan ay kamtin

    ___________
    Kalunos-lunos ang naganap na pamamaslang. Hindi makatarungang ilibing sa limot ang pangyayaring ito. Ang mga pangyayaring ganito sana ay kayang iwasan kung ang mga kapwa tao natin ay marunong magpahalaga at rumespeto sa bawat isa.

    Matagal na nating hinahamon ang mga taong naluluklok sa kapangyarihan ng pera at kapangyarihang mamuno na sumasaklaw sa kasakiman nila bilang taong inaasahan nating sila ang dapat na tumataguyod sa ating mga karapatan.

    Sila na nagpapatupad nito at nangangalaga sa ating kaligtasan.

    Mahiya naman kayo sa inyong mga ninuno kung mayron man.

    Aanhin ang galit at pagtangis gayong mahimbing nang naglalakbay ang kalulwa ng mga biktama..kahit na sila ay malungkot at mapanglaw, maririnig mo ang kanilang hiyaw.

    Reply
    • Ang galing nito J.Kulisap!!! Isang masigabong palakpakan para sa iyo…
      Nadyahe tuloy ako sa aking gawa.
      Tulay ng buhay talaga ang tula.Maraming, maraming salamat sa iyo. Hanggang sa muli

      Reply
      • Huwag kalimutang bitbitin ang guryon
        Upang mga kamay nati’y maghampasan
        Habang nagpapalipad ng ating tangan

        Hihintayin kita dito sa liwasan
        Dalhin mo ang alaala ng kamusmusan
        Upang tawa ay maging halakhakan.

        Hanggang sa muli aking kaibigan
        Sundan natin ang araw na mayabang
        Uulan din pero guryon ay papailanlang.

        Reply
  5. @Taribong uulitin ko po ang iyong dasal.

    Ang panaghoy ng damdamin

    Mga buhay nang kitilin

    Parang hayop ang kahambing.

    Sila’y makabagong Cain…

    Panginoon, sana’y dinggin

    Itong munting panalangin

    Katarunga’y aming hiling

    Salarin ay panagutin.

    Amen…

    Reply
  6. Nakakapanghina talaga yang balitang yan. Hindi daw natin sila dapat tawaging mga hayop, dahil mas matino pa ang asal ng mga hayop kesa sa kanila. Mga halimaw sila.

    Reply
  7. Marami sa aming kapatid sa hanap buhay ang pinaslang, na animoy parang hayup na ginawan ng ganung klaseng karumal-dumal.

    bakit kailangan pa madamay ang mga taga media? para kaming nasa pagitan ng gunting, na isang pagkakamali ng kabilang panig ay tiyak ang kapahamakan.

    hindi kami ang kaaway, hindi kami salot, nag hahatid lamang ng mga bagong balita para sa kaalaman ng sambayanan.

    masakit para sa amin.. at para sa akin.. ngunit hindi ako papa apekto.. ipagpatuloy lang ang kasiyahan..

    bahala na ang hustisiya.. bahala na ang diyos sa kanila.

    Reply
    • ako ay nakikidalamhati din sa inyo sa pagpanaw ng mga kapatid sa hanapbuhay. Sana ay matugunan ng ating pamahalaan, lalo na ang ating judicial system upang kanilang magampanan ang kanilang tungkulin, ang pagpapatupad ng katarungan sa bansa…

      Reply
  8. kaputaputahan ng mga puta ang mga pukingina…tangina nila! yun lang ang masasabi ko! sowee nadala lang!

    Reply
    • ok ka na p0ks? mga @#$&*^%+ talaga sila. o heto ang isang baso ng malamig na tubig, dagdagan pa natin ng sangkatutak na yelo kung gusto mo, pampalamig… grabe talaga, tsk tsk…

      Reply
  9. Hindi ko mabigkas yung mga surname ng mga taong involved sa Maguindanao massacre. Aw.

    Reply
  10. Amp… Amp_ _ u_ _… _ _ p_ t______ Mga @#$&*^%+ sila. Ooops…

    Reply
  11. Akoy tutula mahabang mahaba,
    Akoy uupo tapus napo.
    Nakalimutan ko na about sa trahedya, nabaling ako sa kahusayan nyo sa makata.
    Parang rap na gusto ko ring makipagsabayan, ngunit parang umuurong ang aking mga dila.

    Reply
    • taribong

       /  November 28, 2009

      Nakop, di naman. bilib nga ako dun sa mga nagra-rap, ambibilis magbigkas ng mga salita, tapos ang galing minsan ng message.
      Maraming salamat sa pagdalaw, dlysen. Hanggang sa muli.

      Reply
  12. automatic yun dude, everything is perfect in God’s plan ikanga. masusunog sa nagbabagang tae mga kaluluwa niyan.

    Reply
  13. tol sinearch ko yung phrase na yan, naligaw lang ako at di ko nahanap. anu yan kasi??

    Reply
    • e di yung sinabi mong “masusunog sa nagbabagang tae mga kaluluwa niyan”. habang nasa lupa pa sila, mga souls nila nasa kumukulong excrements na hehehhehehe. (scalding yuck)

      Reply
  14. sobrang nakakagulat at nakakaawa ang mga ngyari, nakakainis at nkakasakit pa ng loob! hays.. wala naku masabi!

    Reply
    • taribong

       /  December 2, 2009

      heto, kain ka muna ng malamig na papaya, pampayapa este pampakalma (toinks) …

      Reply
  15. wala akong nsabi sa mga nangyari nitong mga nakakaraang lingo… nakakatakot at lubhang kagimbal gimbal…

    Reply
    • taribong

       /  December 2, 2009

      awwoooooooooo….. natatakot daw sa multo ang pangunahing suspect na nakapiit sa himpilan ng NBI…..

      Reply
  16. dencios

     /  December 1, 2009

    pasasaan ba at nakikita ng langit ang mga ginawa nila…

    Reply
    • taribong

       /  December 2, 2009

      yaps… nag-uumpisa na ang proseso ng katarungan, at napapalapit ang paghuhukom…..

      Reply
  17. Mr. Nonsense

     /  December 2, 2009

    hirap mag-comment talaga. pwede bang si tiger woods na lang ang pag-usapan natin?

    Reply
    • taribong

       /  December 2, 2009

      okay. hehehe bakit nga ba binangga ni tiger woods ang fire hydrant at yung puno sa dis-oras ng gabi?? hehehehe

      Reply
  18. Pareho na rin kay Father…silence….Amen.

    Reply
  19. shynyrd

     /  December 2, 2009

    AW… sana nga lang mabigyan ng hustisya ang mga namatay na yun… hay….

    Reply
  20. ay huli man daw at magaling, kay taribong pa din! ahahahaa

    naku! “KATARUNGAN PARA KAY KA DENCIO!”

    kidding aside, lets all pray for the victims of maguindanao massacre.

    sad mode ako tuloy! sniff snifff

    Reply
  21. kaye

     /  December 4, 2009

    weh! kagaling naman sumulat ng tula. bilib nako sainyo talaga ni J.Kul! ang gagaling! huli kong paggawa nung tula nung sumulat ako ng balagtasan piece nung 4th year high school. kow. ang tagal na nun!

    now on to serious matters…

    nakalulungkot, nakapanlulumo, nakapanghihina ang mga pangyayari lalo pa’t marami pa ring di pa lubusang naiintindihan. Kung ang mga Ampatuan ang may kasalanan sana sila ay maparusahan. Pero nagtataka naman ako sa mga Mangundadatu… bakit hinayaan nilang ipain ang mga babae at mga peryodista/mamamahayag? dahil ba natakot siyang mapatay habang papunta sa comelec? dahil ba inakala niyang komo mga babae at mamamahayag ay di sila kakantiin ng mga masasamang loob na yun? nakasisigurado ako na alam nila o mayroon silang ideya kung ano ang maaaring mangyari sa pagpunta sa comelec… nakalulungkot na mga babae at walang malay pang mga tao ang nadamay sa isang awayan at agawan ng kapangyarihan… sana matigil na ang ganitong pangyayari…

    Reply
  22. tsenn`

     /  December 5, 2009

    waw parang sining ng pakikipagtalastasan ah. galeng!🙂

    Reply
  23. taribong, send mo naman sa akin ang iyong complete address (smiles)

    sa text na lang…

    Reply
  24. hanep! parang teacher ng mga tula ah..

    Reply
    • puro subok lang po… at least, maipaabot ang mensahe hehehehe.
      hamo, pag natuto na ako ng photoshop, mspaint atbp applications, magkakakulay na rin ang bloghay na ito. hehhehe

      Reply
  25. mahirap mang isipin at dito pa sa tin nangyari ang isa sa pinakakagimbal-gimbal na krimen ng ating kasaysayan. at lalo pa’t hindi siya away relihiyon kundi away pulitika, kung kaya’t nakakapanginig sa galit ang ginawa nila sa mga 57 walang kalaban-laban kababaihan at mamamahayag. nakakaawang isipin na kapwa muslim pa (kung mapapatunayan) ang gagawa nito sa kanilang mga kapatid sa paniniwala at pananampalataya. Talagang kalunos-lunos ang kaganapang nasaksihan ng ating bansa at dahil d’yan, maraming buhay na naman ang nasira, at malaking lamat na naman ang imamarka nito sa imahe ng bansa upang makalikom ng tulong mula sa mga bansang pwedeng mag-angat sa ating mga naghihikahos na kababayan.

    sa isang banda, bilib ako tokayo sa ‘yong pagsulat ng tulang sumasalamin dito. payak at malalim, naiparating nito ang damdamin ng nakararami tungkol sa naganap sa Maguindanao. sana mabilis ang katarungan para sa mga biktima at kanilang mga pamilya…

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: