Tr(H)aiku

((Ang haiku ay tula ng mga hapones na binubuo ng labingpitong pantig na nahahati sa tatlong taludtud. ang unang taludtud ay binubuo ng limang pantig, ang pangalawang taludtud naman ay binubuo ng pitong pantig at ang ikatlong taludtud ay binubuo di ng limang pantig gaya sa una. (Hango  sa WikiAnswers.com)     Nag-try lang ako  gumawa ng  haiku sa Filipino.    Subok  lang hehehe… )

i

Katakataka

Gumalaw  na mag-isa

Ang tumba-tumba

ii

Kababalaghan?

Marahil o  malamang

Guni-guni lang

iii

Kung ang computer

Tinopak, naging monster

I-off ang  power

iv

Ang kasintahan

Kapag ikaw’y iniwan

T’yak may dahilan

v

Mata’y tinakpan

Bata’y  kinilabutan

Sa romansahan

vi

Di kasi alam

Anong kahihinatnan

Pag nagganunan

vii

Labi sa pisngi

Nang halik ay dumampi

Kiliti’y huli

viii

Basag ang mukha

Si Cotto, surrender na

Pacquiao,   wagi ta

ix

H’wag na magtaka

Ginamit ay “wagi ta”

Ako’y may pusta

x

Labis ang tuwa

Pacquiao,  di alintana

Bugbog na tenga

xi

Madla  nagitla

Away Jinkee at Krista

Sad si Dionesia

xii

Grabeng intriga

Walang  kakwenta-kwenta

Sakit talaga

xiii

Mas  mabuti pa

Tayo ay magkaisa

Kasi pasko na

xiv

H’wag  magsiraan

Dapat nga  magtulungan

Ang buong bayan

xv

D’yos na Lumikha

Tunay na Hari Siya

Tayo’y Mahal N’ya

xvi

Natuwa ka ba

Dito sa munting tula?

Sana,  sana  nga.

Previous Post
Leave a comment

71 Comments

  1. Arekup napahalakhak ako sa number 3. Wahahahaha. Naimagine ko yung haunted christmas tree kuno ng Shake Rattle and Roll. Bohahaha.

    Hello hello Taribong. Nakikikapitbahay lang.🙂

    Base pala. Hihi.

    Reply
    • taribong

       /  November 22, 2009

      Salamat sa pagdalaw. Base ka nga. At buti napatawa ka hehehehe. Hindi kasi ako makatulog kaninang madaling-araw, kung anu-ano lang pumapasok sa isip ko heheheheh ayan ang resulta. Hanggang sa muli.

      Reply
      • Ang last na Haiku ata na ginawa ko ay ang seatwork nung highschool pa ko. Hahaha.

        Marami rin akong writing phases pag madaling araw. Ang problema lang walang malapit na PC saken para isulat yon ng ganong oras. Tapos tamad naman ako magsulat sa papel. Kaya nalilimutan ko rin sila. Hehe.

        Reply
      • sa cp ko tinype ang anumang maisip, Para lang may magawa habang inaantay makatulog ulit hehehe Buti naman sa wakas nakatulog din ako pagkatapos hehehhe. Try mo isulat din. Minsan may mga kapupulutan din ng aral o kaya ay mamamangha ka na naisip mo pala yun. Salamat vajarl.

        Reply
      • Hindi ko pa nasusubukan yang sa cellphone magsulat ah. Ma try nga minsan. Hehe.

        Minsan nakakamangha pag nag babackread ako sa sarili kong posts. Parang ang weird din ng feeling lalo na pag naisip mo kung gano ka nagbago. In style of writing, way of thinking, kung pano buhay non, etc.

        Reply
      • Minsan nga nakita ko yung mga luma kong notebooks, minsan may mga sinulat ako dun o kung anumang kabulastugan ang naroon, na parang bago sa akin ulit, mamamangha kung bakit o paano naisip yun dati pa, e sa ngayon limot na…. Ang kagandahan naman sa pagtanda ay mas lumalawak ang perspective, kaya nagiging mas makabuluhan na ang mga sinusulat, sinasabi o ginagawa. Makabuluhan nga ba?????

        Reply
      • Tama. Kaso minsan naiisip ko mas exciting ang mga panahon na mababaw ka pa, para paglipas ng ilang taon kaya mong pagtawanan ang sarili mo. Yun ay kung nagtyaga kang magsulat sa mga panahong wirdo ka pa, o mas wirdo sa kasalukuyan.

        Reply
  2. Ayos ito pare..Haiku po. Ano ba ang pwede kong ikomento.

    Minadali, iba-iba ang kwento, tuloy-tuloy na kaisipang dumaloy sa iyong utak.

    Dahil talentadong Pinoy ka…bibigyan kita ng 10.

    Paano nakakaapekto sayo ang isang tula bilang Pilipino?

    Isulat ang pahayag sa limang pantig lamang.

    Magandang araw pare

    Reply
  3. wahahahahahaha!!!

    ang galing-galing!!!

    naisama pa ang team jinkee at team pacquaio!!!

    Reply
    • Salamat po at nagustuhan ninyo. Yan po ang produkto ng malikot na pag-iisip at hindi makatulog alas dos ng madaling-araw. Yun pong xvi inspired sa text message niyo at sa misa kanina hehehehe

      (akala ko magco-comment kayo sa v, vi, vii toinks…. zzaaaapppp)

      Reply
  4. Hi Taribong. Thanks for joining my giveaway, wish you all the luck!

    Reply
    • Walang anuman yun. Hehehe pasensiya na, militante yata ang dating nung suggestion ko hehehehe yun kasi ang unang pumasok sa isip ko eh.
      Kahit ano pa man. Maraming salamat din sa iyo. Hanggang sa muli.

      Reply
  5. Aba, poet ka na?

    Reply
    • May haiku rin akong sinulat sa blog ko. Wala lang! hehe. Gumawa ka rin ng Tanaga. Aw.

      Dapat nilagyan mo ng hidden meaning yung mga tula.. Wala lang. Dapat may mga metaphor. Aw. gumaganon pa sa 5-7-5. hehe.

      Reply
      • Hehehehe puntahan ko mamaya. Tama, susunod tanaga. Then, try ko na rin ang korido. hehehe Awts

        Hindi lang kasi ako makatulog. Free flow lang. Akala ko nga 7-5-7, kaya inedit ko na lang pagdating sa office hehehe Dapat nga talaga may metaphor, dahil nandoon ang kagandahan ng isang haiku. Pero HAI-yaan na lang natin, kahit KU-lang sa metaphor hehehehehe

        Reply
  6. TR(h)AIKU.

    Try ko? Subok lang.. pero ang dami mong ginawa. Genius!

    Reply
    • Yan ang nagagawa ng kulang sa tulog sa alas dos ng madaling-araw. Waaaaahhh

      Reply
      • bibigyan kita ng maraming tulog!

        Reply
      • Bakit, may hibernator ka rin? Alien ka ba Ax? hehehehe

        Reply
      • hindi ako alien.. sabihin na lang natin na isa akong Sentient Being from Outer Space (alien pa rin yun, haha!)

        pwede na kaseng ilagay sa capsules ang tulog. iinumin na lang kung kailangan.

        gusto mo? gusto mo? tapos three years kang gising.. okay lang sa’yo yun? Kuya Bong?

        Reply
      • taribong

         /  November 25, 2009

        waaaahhhh pwede ba yun? baka naman ako ang ilalagay sa capsule hehehehe. Three years straight na gising??? Parang magiging barangay tanod ako nun ah waaaaahh zombie pala hehehhe

        Reply
  7. kakatuwa naman,hihihi…

    wala akong alam dyan sa mga japoks japoks na yan…di ko nga alam ang Haiko..ahahaha engot lang!

    Reply
  8. ahahahaha HAIKU poooo!!!!

    sakit na tyan ko, mula sa bahay ni timangkey, lundag kay kuya good times at now sau naman!

    HAIKU po tlga!

    kabag na toooo!!1

    padaan po kuya tarbs! congrats na po sa base award! yahooo!!

    ahehheh

    Reply
    • Hehehehehe salamat sa pagdaan topexpress. Natuwa naman ako na natuwa ka hehehehe

      Nakop, malayo pa ang base awards, baka makahabol pa nga kayo nina superlolongpinoy, kaye at lhen. (…Pero kung mapagbibigyan ang sinasabi kong sharing of points ay… saka ko na lang sasabihin. Baka kutusan ako ni padz sa pagiging makulit hehehehhe Awts)

      Maraming salamat at hanggang sa muli.

      Reply
  9. wahhh ang husay ni kuya taribong alam mo ba nung sa subject naming filipino dati
    inabot ako 1 hour para lang makagawa nyan hahahaha

    (o tamad lang talaga ko mag isip nung panahong yun)

    Reply
    • Nakop, kulang lang sa tulog yan, naglalakbay ang isipan sa kung saan hehehe (parang adik, waahh)

      Wala kasi tayo sa pokus nung bata pa tayo hehehehhe (Teka, nasa pokus ba ako nung ginawa ko ito? toinks…)

      Reply
  10. Eto ang haiku ko

    Tumambling si Hey
    Naglimburak si Coco
    Dapa si Jason

    —————

    Labs ko si Ate
    Ate Kaye, oh, ate kaye
    DQ ko asan?

    mag iisip pa ko. tagal ko ginawa yan

    Reply
    • Hehehehe maraming salamat, jason. Matutuwa din si kaye nyan, hehehhee

      Reply
      • heheheh😀

        pinag isipan ko talaga yan.😀

        teka..

        aw..

        ahhaha

        wala lang. kamusta kuya taribong at sa lahat ng nandito!!!

        Reply
    • kaye

       /  November 26, 2009

      waaahhhh! anong kaguluhan ito???

      sa december 2, dito kayo sa alabang mag-EB ni fads at ni alvin pati na ata si ax. dali! kitakits tayo para sa DQ. hahaha

      Reply
  11. Haha…ok ito Taribong…ang sarap naman maglaro ng iyong isip…ayos lahat…pero parang gusto ko yung pa-simpleng dating ng V VI & VII…hehe

    Reply
    • hinihintay ko nga po ang magiging tugon ni padz dun sa taas eh hehehehe (habang naka-peace sign kay padz hheheheheh)

      Reply
  12. Taribong kababasa ko lang nung usapan ninyo ni Toper….masaya na ako sa naabot ko…parang hihingalin na ang Lolo…hehe

    Ang ikinasaya ko sa laro na ito ay maraming nakakilala sa akin at marami akong naging kakilala at kaibigan rin. Dun pa lang panalo na ako. Kaya ang laking pasalamat ko kay Father na naging miyembro ako ng malawak niyang bahay.

    Reply
    • Hehehe may two rounds pa po, kumbaga kay manny pacquiao e abot pa sa 12 rounds hehehehe mas masaya po ang susunod na kabanata hehehe

      sabi po ni lhen e, Parokya ni (Fr.) Felmar hehehehehe

      Maraming salamat po ulit. God bless you always po.

      Reply
  13. Nakakatuwa
    Ang tula
    Sya nawa…
    sya nawa…

    Reply
    • taribong

       /  November 23, 2009

      Maraming salamat darbs. Ikinagagalak kong natuwa ka sa tula hehehehehe. Hanggang sa muli.

      Reply
  14. nakakatuwa,

    haikung pinag-isipan

    aking tinawanan.

    haha, maganda pati intriga sinama.

    Reply
  15. napakaganda

    nitong naisipan mo

    nai post dito

    hahaha naalala ko tuloy yung limericks, parang nahahawig,hawig lang naman.

    Reply
    • Hindi ako familiar sa limerick, kaya search ako: “A limerick is a five-line poem with a strict form (AABBA), which intends to be witty or humorous, and is sometimes obscene with humorous intent. (http://en.wikipedia.org/wiki/Limerick_(poetry))”

      Dahil ang ginawa kong haiku ay 3 lines at ang limerick ay 5 lines, nakagawa ako ng 3/5 na limerick hehehehe 60% limerick ang haiku toinks

      Maraming salamat, lee. Sige susubukan ko gumawa ng limerick minsan….

      Reply
  16. Magandang umaga sayo haiku expert!😀

    Reply
  17. haiku? hay naku, sumakit ang ulo ko.

    Reply
  18. shynyrd

     /  November 24, 2009

    stthanks….

    Reply
    • taribong

       /  November 24, 2009

      just be strong, and have faith. will conquer.
      salamat sa pagbisita. hanggang sa muli

      Reply
  19. hahaha, ayus to ha?!🙂

    Reply
  20. Ako’y natuwa
    makapagkumento nga
    galing talaga

    Reply
  21. oo natuwa ako sa tula, madyo nagustuhan ko ang istilo ng haiku… yaan mo susubukan ko yan…

    mag-ingat po sa pang gitnang mga talata dahil mukang nawawala sa istilo ng kabuuan… salamat.

    Reply
    • maraming salamat sa pagdaan at sa paalala, livingstain. hindi nga magkakatugma ang mga talata, kung ano lang ang maisip sa madaling araw hehehehe.

      natuwa naman ako’t natuwa ka ehheheehe. hanggang sa muli..

      Reply
  22. kaye

     /  November 26, 2009

    hindi maisip
    komentong sasabihin
    tahimik na lang

    haha! wala akong maisip kasi tawa ako ng tawa. parang wala ang boss at nakapaigisip ka ng kung anu ano ah. pati si manny, jinkee, krista at aling dionesia di mo pinatawad. hahaha

    Reply
    • hahahaha nasa subic sila. sarili ko ang office. bantay. nadispatsa ko ang makulit na clients 4:30 na, makulit lang naman sila hehehe malaya ako hanggang bukas ng umaga…

      Reply
  23. kaye

     /  November 26, 2009

    aist! ngayon ko lang nabasa ang nasa taas. madaling araw mo pala ginawa. naku, malamang nananaginip pa lang ako nun. hehhe

    Reply
  24. Kung ang computer

    Tinopak, naging monster

    I-off ang power

    hahaha!!

    ________
    kung ang tyan sumakit
    sa toilet sumaglit
    ang t@# sisirit

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: