durog

Bilang pakikiisa sa National  Drug Abuse Prevention and Control Week o DAPC Week,  hayaan niyong ilahad ko ang ilang kuwento mula sa aking sariling pagmamasid  at  kamulatan kung gaano kalala  ang  problema tungkol  dito. (Babala:  maselan ang ilang nilalaman ng inyong mababasa)

Noong  hayskul,  papunta kami ng aking kamag-aral at  ang aming guro  sa  kabilang bayan upang sumali sa  isang pakontes.   Noong sumakay kami  ng  dyip, nakahandusay sa lapag  ang isang  gusgusing babae, halos ka-edad ko lang  siya noon.  Hindi naiwasan ng  aming guro na magtanong, kung bakit nakagapos ang kamay at paa noong babae.  Sumagot ang isang payat  na  babae  na nakaupo sa  dulo, malapit sa drayber, ““Nag-drugs po  kasi ang  anak ko.  Pinilit ng barkada niya, hanggang sa malulong.  Ganyan na siya ngayon,  bayolente na at hindi makontrol.  Dadalhin namin siya sa <insert  name of town and mental  health facility> para patignan.”  Kinausap  ng aming guro yung babaeng nakagapos, “Alam mo ba kung bakit ka nagkaganyan?”  Tumingin ang babae sa  kanya, at mahinahong nagsabi, “Opo.  Nagdrugs po  ako.  Dyan,  dyan sa likod ng stage sa  <insert name of school>,  kasama ko sina <insert name of her friends/classmates>.  Dapat  kasama ko rin sila ngayon. Kalagan niyo  ako.” Nagpupumiglas na ang babae at pilit siyang pinahihinahon at pinatitigil ng ina at ng kanilang mga kasama.  Nagkatinginan na lang kami ng aking kamag-aral  at guro, dahil ang binanggit niyang paaralan ay ang aming paaralan na ikakatawan sa  pakontes. (Minsan lang naman ito nangyari at wala na akong  alam  na karagdagang kabulastugan at kababalaghan patungkol   sa  drugs sa aming hayskul noon.)

Noong ako ay nasa college, ang kuya ng aking kaklase ay nalulong  sa sari-saring  bisyo.  Lumobo din siya dahil napapalakas ang kain niya tuwing nakahithit ng marijuana, pati ang shabu tinira din niya kaya madalas  gising maski madaling-araw.   Isang gabi, hindi sila nagkaunawaan ng kanyang barkada at umuwi siyang lasing sa  kanila.  Halos mag-uumaga  na noong  sumugod sa bahay nila ang nakaalitang kabarkada.  Walang nagawa ang nanay ng kaklase ko nang biglang bumulaga ang kabarkada ng anak (na inaanak din niya sa binyag).   Pati nga mga aso nila, nagulat na lang at hindi rin nakakahol  (marahil ay dahil sa  kakilala na ng mga aso ang  bagong dating hehehe).   Pasigaw  na hinahanap si <insert name of the classmate’s elder  brother> ng <insert name of dabarkads>,  at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng bahay.   Nung makita si  <insert name of the classmate’s elder  brother> na natutulog sa sofa sa sala,  bigla itong kanyang sinuntok,  minumura, tinadyakan at sinakal.  Walang magawa ang  kuya ng kaklase ko, nakatulala siya habang pupungas-pungas, bagong gising na naalimpungatan sa mga suntok,  mura,  tadyak na tinamo.   Lumabas sa kuwarto ang tatay ng kaklase ko at sinuntok  ang kabarkada  ng anak,   plakda  ito at tinaboy papalabas.   Halos isang  taon ding ayaw lumabas ng bahay ang kuya ng kaklase ko, ayaw magpakita  sa tao,  minsan bumubulong nakikita daw ang demonyo at muli na naman daw siyang sasaktan at papatayin.  Hindi na siya tumira pa ng  droga.  Pati paninigarilyo at alak ay iniiwasan na rin niya.    Okay na siya ngayon,  nagtatrabaho na sa ibang bansa.  Nagbagong-buhay at may pamilya na rin siya.

Noon namang ako ay nag-uumpisa  ng magtrabaho,  yung aking step-lola sa tuhod ay namatay noong siya’y mga nasa edad 79.  Ayon sa ulat ng pulisya, mula  sa  kanilang pagsisiyasat, habang ang aking step-lola sa tuhod ay nagtatanim  (ng pechay yata o talong) sa kanilang  bukirin kasisikat pa lang ng  araw,  ay bigla siyang pinukpok sa  ulo gamit ang isang bato.   Noong matumba siya, pumaibabaw sa kanya ang salarin at  tsaka siya ginahasa.  Sumisigaw ng saklolo si <insert name of step-lola> at nagpupumiglas  habang  siya ay nilalapastangan.   Nang hindi matigil sa pagsigaw  at pagpupumiglas,  tinaga  at sinaksak siya ng itak na gamit sa pagtatanim.  Ang  salarin, tumakbo papauwi sa kanila, duguan at putikan,   kung saan na siya nahuli ng mga pulis.   Labimpitong-taon lamang ang salarin noong  magawa  niya ang krimen dahil  sa  droga.   Napa-rehab siya habang dinidinig ang naisampang kaso ng  pagpatay.   Ewan ko kung  anong  ang nangyari sa kanya bagaman napatawad  na rin siya ng pamilya.

Hindi na  lang  sa  mga  lungsod, kundi maging  sa  mga  kanayunan,  lumalaganap ang salot. Hindi kaila sa atin ang  epekto ng  droga  sa lipunan.  Maraming  karumal-dumal na  bagay ang nagagawa o nangyayari mula  sa  paggamit nito.  Kailangan na nga talagang  sugpuin ang talamak na  paggamit  ng  ipinagbabawal na  gamot.

Kampante ka ba  sa lugar na kinalalagyan mo o pinupuntahan ng pamilya  mo?  Masasabi mo bang ligtas ka sa mga  galamay ng droga??  Ang hamon,  hahayaan na lang  ba natin ito???  Sana may magawa  tayo  bago  pa  huli ang lahat…

Previous Post
Next Post
Leave a comment

66 Comments

  1. nagagawa talaga ng drugs oo.
    ang marijuana talagang nakakagana at nakakalakas kumain infact di naman sana masama kung gagamitin sa tama dahil gamot din yan e kaso yan e dapat dun sa mga talagang may kailangan pangkalusugan pero kung gagawin lang na bisyo e di rin maganda.
    curious din ako nung araw sa maraming bagay pero since alam mo na di maganda ang epekto ng drugs e kung talagang curious ka,tingnan mo nalang yung mga taong nasira ang ulo at ang buhay nila dahil sa drugs at wag mo ng subukan for the sake of curiousity.

    Reply
    • Tama ka lee, hindi na kailangang sumubok pa dahil marami nang nagpapatotoo sa kahihinatnan ng pagiging sugapa sa droga. Sana yung mga nasa rehab centers ay tuluyang matutunan na pahalagahan ang kanilang buhay sa pangalawang pagkakataon…

      Maraming salamat sa pagdalaw… Hanggang sa muli.

      Reply
      • kaso kung sila mismo e walang plano, disiplina lang naman yan e, marami akong alam na pabalik balik sa rehab pero paglabas balik din sa dating gawi,kasi di naman buo sa loob talaga magtino.

        Reply
  2. Pagkatapos ng ilang linggong walang bagong artikulo. Naadik ako sayo kamote. Kamusta muna. Ayos naman. Wala, napuntahan ko nga, eh kaso naduling ako, pinakain nila ako, may tetano, hwag ang sakit sa balat ng ice cream. Punyetang aso ito may gusto sa akin. kaninang umaga, sumilip ang gabi, nasa kalawakan ako..blagadag..argh.argh..I’m ded. Intro. Adik ako.

    Dito ko sasabihing babasagin ko ang trip mo. Kung gaano ako katakot dahil napapaligiran ako ng aking mga pamangking namumulat pa lang sa kalakaran ng mundo, takot na takot ako pare….

    Mas marami ang kabataang nalululong kaysa sa matatanda, kakahiya naman kung 60 years old na, tumitira ka pa. Ang kapal.

    Hindi magandang trip yan,mas nakakahiya kung hindi ka naman pinababayaan ng tao sa paligid mo. Mas nakakahiya kung ibang kwarta ang sinasayang mo para lamang tuyuin ang utak mo.

    Para sa mga magulang o mga nakatatanda ang aking huling birada.

    Mahiya ka sa katandaan mo kung hindi mo kayang alagaan ang ipinunla mo.

    Huwag ka ng magpaliwanag, adik ako.

    Reply
    • Wahahahha adik nga. Sa kamote. Baka tadtad ng ulalo kaya natuluyan sa hanep na trip hehehehe.

      Maraming, maraming salamat j.kulisap, sana mas maraming makabasa nito, lalo sa comment mo para magsilbing gabay sa kinauukulan. Ang galing mo parekoy!!!

      Reply
    • naadik sa kamote.
      masama ang side effect nyan, pero madali lang ang solusyon, iutot mo lang.
      sanay kapulutan ng aral ang iyong tinuran, wag mo nalang paka diinan yung matanda e parang my biglang tumutusok sa tuhod ko pag nababanggit yang matanda na yan e,eniweys, mabuhay ka kulisap at pati na ang iba nating mga kabataan na syang pagasa ng bayan.

      Reply
  3. Tagal mong hindi naka update parekoy, ngayon na lang ulet.. baka kako namulto ka pa ni ka Omeng. joke he he he

    Usapang Droga ba ito? naku hindi ako maka relate nito.. si Anjong ng patpatalinghaga mahusay dito.. durugista yun eh.. he he he

    Reply
    • Nakupo, hindi naman ako mismo ang gumamit. Yung mga nakita at nalaman ko lang na may kinalaman sa epekto ng bawal na gamot upang hindi na pamarisan.

      Salamat sa pagdalaw, parekoy. Hanggang sa muli.

      Reply
      • hindi nawawala ang mga taong gumagamit ng bawal na gamot, lalo na d2 sa amin, ewan ko ba kung ano ang nakukuha nila.. kaya ako panay iwas sa mga ganong klase ng tao, hindi naman sa namimili ng taong kakaibiganin, umiiwas lang ako. mahirap na baka mapagkamalan pa akong kaisa nila ako.

        masisira lang ang reputasyon ko…

        Reply
  4. Nabasa ko na ang gitna.. Pero istrikto po ako pagdating sa oras. Kailangan ko na po matulog.

    Nasa tinadyakan na ni ‘lulong sa bisyo’ si ‘klasmeyt ni kuya’.. Ipagpapatuloy ko na lamang po!

    Reply
    • Salamat sa pagdalaw, Ax. Saludo ako sa iyo sa pagdisiplina sa sarili. Alam ko malayo ang mararating mo. Two thumbs up para sa iyo. hehehe

      Hanggang sa muli.

      Reply
    • Istrikto sa oras?

      Hmmm..ano yon..istrikto siya sa oras dahil kailangan niyang matulog ng isang oras bago pumasok sa trabaho.

      Reply
      • taribong

         /  November 19, 2009

        Kasi papaluin siya ng kanyang nanay kapag parating nakababad sa internet hehehehehe. Kailangan niya matulog para makapag-gain ng pounds… teka di ba ang pounds napalitan na ng euros??? sige, para siya makapag-gain ng euros… Adik na nga talaga….

        Reply
      • Strikto ako sa oras. Kahit tanong mo kila Jason at MB. Pagdating ng ganitong oras, titigil na ako sa kakachat kahit marami silang tanong. hehe. Kung kailangan ko na matulog o may pupuntahan.

        Hm, nabasa ko na ng buo. Ang dami mo palang kwento tungkol sa droga. Hm, yung kwento mo sa lola mo ang nagbigay ng takot sa akin.. Droga nga naman. Marami na akong narinig na istorya. Iba’t ibang tao pero pare pareho na nasira ang buhay.

        Nalaman ang gamit ng marijuana at ibang droga upang makapagpagaling ng karamdaman.. ayun lang. Ginagamit ito ngayon sa maling paraan.

        Reply
      • Aprub ako diyan Ax. Disiplina lang talaga. Apir!!

        Meron nga dun sa na hinahaluan nila ng mj yung inumin at pagkain para gumana ang pagkain at babalik-balikan ng kanilang customers. Ang lakas talaga ng benta, pero nagsara din dahil sa away ng mga magkakapatid na may-ari. Hindi kaya nag-umpisa din sa bawal na gamot ang away??? Awts

        Maraming salamat Ax. Good luck sa inyo nina jason at mr. nonsense sa I LOve Rice contest!!!!

        Reply
      • Kuya, di po talaga kasali sa Jason at Mr. Nonsense. Support lang po talaga ang binigay nila.. They told PhilRice that the photo they submitted is not part of the entries.

        Gusto lang po talaga nila suportahan ang Phil Rice. Galing! Kudos to them!

        Reply
      • Waw, e di ikaw lang ang kasali sa PhilRice contest? Ang galing-galing naman. Apir! Kudos to jason and mr. nonsense!

        PArang ang mahigpit mong kalaban ay yung babaeng naka-ismayl habang sumasandok sa kaldero ng kanin…

        Reply
  5. ang makabagong demonyo!

    kakatakot lang na baka isang araw eh anak ko na..pamangkin o kapatid ang biktima nito…

    hindi ako nagmamalinis kasi isa ako sa mga nabiktima ng droga….pero proud akong sabihin na nalagpasan ko na ang isang yugto ng buhay ko na yun at marami akong natutunang lessons…amen! hehe

    Reply
    • Talaga prinsesa Poks?

      Proud ako sa iyo, na nalagpasan mo.

      Reply
    • May mga karanasan kasi tayong kailangang lampasan para na rin sa ating ikabubuti. Para maging matatag, matibay at kapita-pitagan. Hinuhubog tayo ng ating mga nakaraan, gaano man ito kasaklap o kasaya, kapait o katamis. hehehehe

      Maraming salamat pOkw4ng sa pagiging tapat. Proud din ako sa iyo na nalampasan mo ang pagsubok at ang mahalaga marami kang natutunang lessons, na puwedeng paghugotan ng lessons. Salamat ulit.

      Hanggang sa muli.

      Reply
      • Parang si Ate Charo ka lamang Taribong..wahehehe..parang nagbabasa ng sulat na nanggaling sa baul.

        Try mo..try mong isipin.

        Adik ako eh.

        Reply
      • taribong

         /  November 19, 2009

        taribong Says:
        November 19, 2009 at 7:55 am | Reply edit

        Hehehehehhe hindi ko mai-try isipin hehehhe kasi wala akong basis, hindi na ako nakakapanood ng telebisyon hehehhehehee Di bale, makiki-adik na lang din ako sa iyo yaiks

        Reply
      • Sabi ng kaibigan, hindi naman daw. PArang Kuya Eddie raw sa Kahapon Lamang at HElen Vela sa Lovingly yours, Helen. Oldies kasi, galing sa lumang baul talaga hehehehheehheeh

        Reply
  6. aninipot

     /  November 19, 2009

    may isa rin akong kaibigan na nalulong sa droga…. lahat na yata kami kinausap na sya para tigilan na….ayaw tlaga, kaya magulang nya ang kinausap ko… natatakot kasi akosa magiging resulta…pero wala na kong balita sa kanya…di ko alam if nalagpasan na nya.

    meron din akong naging kaklase na tumitira tuwing may exam, pumapasok tlaga sa top kahit di pumapasok…pero di ko alam kung epekto yon kasi likas din syang matalino.

    Reply
    • taribong

       /  November 19, 2009

      Meron din nga yatang mga taong ganon. May nagsasabi nga na yung isang kaklase namin sa college, ganun nga tumitira tuwing may exam, magdamag gising para mag-aral, pumapasa naman, madalas mataas pa ang mga nakukuha niyang marka. Pati nung sa licensure exam, ganun din, pasado siya. Ewan ko lang kung hanggang ngayon, ganun pa rin siya. Wala na akong balita. Mahirap kung maging habit niya yun, dahil magiging sugapa at masisira ang buhay niya, pati pamilya niya…

      Maraming salamat aninipot sa pagdalaw.

      Reply
  7. wahh taribong..

    di ko kinaya yung last scene..

    takte naman yang “demonyo” na drugs na yan..
    tsk.

    basta ako hinding hindi ako malululong sa drugs. peksman.

    susuportahan kita sa paglusong ng napakagandang adhikaing ito taribong!!!

    MAgandang Umaga!!!!!!!!!

    Reply
    • Oo nga. Grabe talaga yung last scene…

      Saludo ako sa iyo sa tibay ng iyong paninindigan. Sana ay pamarisan ka ng kabataan. Masigabong palakpakan at sipol para sa iyo kaibigan.

      Salamat, salamat. Hanggang sa muli at isang magandang araw para sa iyo.

      Reply
  8. as a father… talagang takot din ako isipin ang mga ganitong bagay. Masama talaga ang naidudulot ng bawal na gamot na yan. Biruin mo kung ano2 katarataduhan nagagawa ng mga tao. Pati lola. minsan pati mga hayop, kambing, baboy, etc.

    wag subukan ang droga.

    pero bakit me naiimagine ako na mga lola nilalagyan ng droga ung pagkain ng apo nila at sabay nakangisi. =P

    Reply
    • Tama ka, timangkey. Grabe na ang panahon ngayon at kailangang mag-ingat. Pagsabihan, kausapin at ipalaiwanag sa mga anak natin na masama at hindi biro ang kahihinatnan sa bawal na gamot…

      Ibang klase naman ang lolang naiimagine mo, baka sa fairy tales mo na nakuha yan kina Sleeping Beauty hehehehe toinks

      Maraming, maraming salamat, timangkey. Hanggang sa muli.

      Reply
  9. Mr. Nonsense

     /  November 19, 2009

    si ax ay na-overdose sa combatrin.

    Reply
    • Hahahaha LAgot ka kay Ax. Nakuha na niya ang powers ng combantrin, pupukpukin ka niya parang maso hehehehehe

      Salamat sa pagdalaw, Mr. Nonsense. Hanggang sa muli.

      Reply
      • at Racumin pati Incremin.

        Si Mr. Nonsense hindi droga ang bisyo. Salonpas. Puro salonpas ang katawan.

        Nasaksak yan sa kabilang braso, salonpas ang nilagay. May dandruff siya, salonpas ang nilagay. May sipon, salonpas ang nilagay.

        May LBM, salonpas pa rin ang nilagay.

        Reply
      • Nakupo, hindi kaya maging mummy dahil sa dami ng salonpas na inilalagay pag nagkataon. Awts.

        Reply
      • kawawa naman si ax.

        yan, sige ax, lumaban ka.

        Reply
      • Haha! Opo father Fiel! Kailangan lumaban ako ng bonggang bonggang bong bong! aw.

        Opo, Kuya Bong.. Para na siyang Mummy!

        Reply
      • Mr. Nonsense

         /  November 21, 2009

        mga pare talaga ay puro maawain sa mga nakakaawang nilalang. ingat at kumakain ako ng tokwa’t baboy…*kidlat*
        *swarm of giant roundworms*

        Reply
      • Yung roundworms galing sa mummy??? heheheeh

        Reply
  10. Hey

     /  November 19, 2009

    sino sino ang mga nandito ngayon? ilan kayo?

    Reply
  11. sa amin maraming marijuana. it was at first planted by the natives kasi isa itong herbal na ginagamit nila sa kanilang community. walang abusong nangyayari…

    ngunit,s ubalit, datapwat, noong nalaman ito ng mga taga-city, sila ang nagtanim ng sandamakmak sa bundok at ipinagbibili. ang mga taga city ang nangunguna sa marijuana abuse sa amin.

    Reply
    • sa amin din po, maraming marijuana sa mga bundok, kahit hindi itanim, kusang tumutubo. maski bunotin ang halaman, tutubo muli ito dahil sa naiwang root systems nito. Tsaka kapag binubunot ang halaman, inililipad ng hangin ang mga pollens nito at tutubo ulit sa ibang lugar…

      Yung kuya ng kaibigan ko, nagtanim din yata sa bukid nila. Pero inunahan siya nung kalapit-bukid na kumuha/nag-ani hehehhe

      Kuwento pa, may tanim daw sa police station sa munisipyo namin at may karatula na i-report sa kanila kapag nakakita ng ganoong halaman. Wala pang isang araw nawala na ito, tangkay ang natira. pinagkukuha ng mga tao ang mga dahon ngyeks…..

      Reply
      • yap totoo yan kusang tumutubo ang marijuana kasi pwedeng tangayin ng hangin ang mga pollens niya…kaya sa bundok sa amin, maraming tumutubo…at naku, notorious ang lugar namin! na-tv patrol ang lugar namin dati sa dami ng sinunog na mga marijuana. kakahiya.

        Reply
      • kung nagsusunog ng marijuana sa bundok, minsan nagkulang ang gasolina na gamit pangsunog; kaya pinatutuyo muna ito sa araw bago sunogin. At pag lumakas ang hangin, naha-high ang mga tao sa simoy ng hangin toinks… heheheehheehehhe

        Reply
    • Mr. Nonsense

       /  November 21, 2009

      no comment na lang pads…too easy. baka kidlatan na naman ako

      Reply
    • at babaha ulit hehheheeheh (maski walang ulan???)

      Reply
  12. *(sigh)

    dapat ata magkaron tayo ng malawakang blog posting.. lahat tungkol sa “NO TO DRUG ABUSE”.. para kahit pano makatulong tayo sa kamalayan ng iba.. baka sakali, ang mahalaga may naging hakbang tayo… ano sa tingin nyo?

    Reply
    • Ayos yan, engr. gerald. Para kahit papano, malaman ng iba ang masamang dulot ng bawal na gamot. Knowledge is power, sabi nga.

      Salamat ulit.

      Reply
  13. Sambong na lang ang tirahin niyo.

    Padre totoo ba yan? Ano kaya ang trip ng mga katutubo..maglakad ng nakabahag?

    Weh..adik pa rin ako…pasensya na po.

    Reply
    • Hehehehe ayos ba ang sambong? ma-try nga hehehehe adik…

      naka-shorts na ang mga katutubo hehehehehe pero pag gabi wala ng saplot ngyaiks hehehehhe

      Reply
  14. padaan dito sa bahay mo ha🙂

    speaking of drugs marami na rin akong naging barkada na nag tetake ng ganyan lalo na mary jane kung tawagin nila marijuana …. pero sa awa ng dyos ndi naman ako nadala …. kasamahan ko dati sa photography …at sa isang kumpanyang 5 taon ako nag tagal …may mga kada na na encounter pero ewan ko ba kung ano na nangyari sa kanila ngyon… madalas mag puff sa auto ang ibang tumitira ng mary jane… pamagising dw kase may gig pa sila ng gabi…. kakatakot nga kse 1st time kong makakita nuon ng ganun kya exit to the max na lang pasimple….

    lalo na ang mga nahihilig sa REGGAE MUSIC

    INisip ko tuloy si bob marley kya nag tetake din?

    Reply
    • taribong

       /  November 20, 2009

      Maski araw-arawin mo pa dumaan lhen, ayos lang hehehehehe.

      OK yan at di ka nadala ng mga dabarkads mo sa trip nila. LAking impluwensiya talaga ang peer pressure sa mga ganyang bagay…

      Tinignan ko yung artsign ng reggae na may marijuana sa baba. Ganun talaga siguro dahil sa impluwensiya ng mga pangunahing mang-aawit sa ganung genre.

      Nag-take din daw si Bob Marley. Sa katunayan daw, alinsunod sa kanyang tagubilin, inilibing siya kasama ang kanyang gitara, bola ng soccer, talbos ng MARIJUANA, at ang singsing mula sa Prinsipe Asfa Wossen ng Ethiopia at bibliya. Yung isang album niya ay may pamagat na Kaya, isang salitang Jamaican na ang ibig sabihin ay marijuana.

      Ayos ba, lhen? Hanggang sa muli. Thanks ulit.

      Reply
  15. kaye

     /  November 20, 2009

    ako never ko din tinry magdrugs. luckily wala naman akong mga kaibigan na sumubok din…siguro kasi alam naming lahat kung anong di magandang idudulot ng droga sa aming mga buhay at sa mga buhay ng aming mga pamilya. ewan ko ba naman sa mga ibang taong alam na nga na di yun maganda, e susubok pa rin, out of curiosity lang daw. ang totoo, kung matalino kang tao, alam mo ang dapat gawin at dapat iwasan…

    Reply
    • naghahanap ng thrill daw. o kaya ng sakit ng katawan. Hindi nila maisip na mas maiging gawing kapaki-pakinabang ang buhay kesa sa malulong sa drugs. Ewan, durog na ang bulsa, maging ang katawan at pati ang kaluluwa. Grabe, nakakapanindig balahibo.

      maraming salamat, kaye. hanggang sa muli.

      Reply
  16. drugs… matagal na talagang sakit ng lipunan yan. kahit san, di tlaga maiiwasan ng iilan sa tin ang gayuma nito. yun nga sabi nila curiosity daw. pero pagandun na sa kalagitnaan ng “ligayang” sila lang ang nakakaramdam, nagpaparaya ng umulit ng umulit.

    siguro, kung di man maadik ang iilan, dapat proper filter lang. e kaso mo minsan nakakalusot parin. i guess mahirap tlaga solusyonan ang ganyang problema kung mismo gobyerno kulang sa suportang pangkalahatan na matulungan at makorek ang mga taong lulong dito. haayy…

    Reply
    • taribong

       /  November 20, 2009

      ang isa pang problema ng ating gobyerno ay ang mga kababalaghang nangyayari sa PDEA, ang parating pagkasunog doon, ang pagkatakas ng mga suspects na naka-detain doon, etc. Na ang pangunahing ahensiya na dapat matibay at matatag sa pagsugpo ng bawal na droga ay kinakikitaan ng kahinaan. Mas nakapanlulumong isipan, na may kinalaman ang kinauukulan sa kahinaang ito, na siyang nagiging sanhi ng paggupo sa labang ito. Haaayyy talaga…

      MAraming salamat, bongkito. Hanggang sa muli…

      Reply
  17. Ang droga nga naman o. Andami talagang buhay na nasisira dahil dito.

    Reply
    • Dapat lang sana na ang time at energy ng bawat indibidwal ay ilaan na lang sa mga bagay na kapaki-pakinabang. Maraming salamat, rocky.

      Reply
  18. salamat sa pagdalaw mo sa aking munting blog…balikan ko blog mo..di pa ako tapos magbasa..gusto ko kasi namnamin yung kwento..hehe!link kita ha?:)

    Reply
  19. suggestion…..pwede bang palitan nalang ng lagundi ang binibintang marijuana……..magkapareho lang sila ng dahon…5 fingers din……hahaha, tingnan lang natin ang magiging effect sa utak ng tao..haha

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: