sANtINO

Hapo.  Pagod.  Puyat.  Ganyan ang mga nararamdaman ko sa nakalipas na dalawang araw.  Dahilan kung bakit paminsan-minsan ay sumasakit ang ulo, at wala ring ganang kumain.

Sabado na ngunit kailangang  pumunta ng opisina.  Dalawang araw ding naantala  ang aking mga gawain dahil kailangang asikasuin ang ilang mga bagay sa labas na nangangailangan ng agarang atensiyon at aksiyon,  na bagamat  ginawa ko ang kaya ko,  hindi  ito naging  sapat dahil sa bagal ng sistema at sa kupad ng  mga namamahala sa sistema.

Nakapanlulumo.  Katulad sa sitwasyon ni Padre Sinnott, ang paring dinukot sa  Pagadian ng hindi-pa-nakikilalang pangkat,  hindi malaman kung saan at kung paano simulan ang pagsagip.  Idinaan na lang ang  mga pakiusap sa tri-media para sa tulong ng kinauukulan, nanghihikayat ng mga panalangin para sa maayos na  kalagayan ng pari, na hindi siya sasaktan at agad na mapabalik.  Kagaya ng mga nag-aalala sa  pari, idinadaan ko na lang sa dasal na sana ay matapos  na ang mga problemang kinakaharap.

Pilit kong iwinawaksi sa isipan ang mga katanungang walang kasagutan.  Pilit tinatanggap ang pagkakaiba ng reyalidad sa ideyalismo.  Pinipilit kong ipahinga ang aking pagal na katawan. Pinipilit labanan ang antok para hindi makatulog sa tren (baka kasi pumailanlang ang atungal ng baka kapag nakatulog ako).  Maski sa konting panahon lang.  Maski mula North Edsa hanggang Magallanes lang.

Ayos na ang aking pagkakaupo sa gitnang bahagi ng tren.  Ipinaghehele na ako ng malamig na hangin mula sa  aircon.  Ngunit panandalian lang iyon, dahil sa Quezon Avenue station,  pumasok sa  tren ang isang mama na may kasamang bata.  Umupo sila sa pangatlo at pang-apat na puwesto mula sa akin.

Listo ang bata at maraming tinuturo sa mga nakikita  niya mula sa salamin ng tren.  Nagiging maingay na siya.  Ipinikit ko ang aking  mata.  Pilit ibinabalik ang ginhawang  kanina lamang ay tinatamasa ko pa.

Nag-umpisang kumanta ang bata. Iba-ibang bersiyon ng kanta. Iba-ibang tono ng iisang kanta.  Paulit-ulit.  Nakakairita sa pandinig.  Gusto kong pagsabihan ang kasama ng bata sawayin ang  bata, pero hindi ko ginawa.  May mga mas malapit sa kanila, na higit pang dapat mairita kaysa sa akin.

Sa daigdig ang buhay ay ganyan
Mayroong ligaya at lumbay
Maghintay at may nakalaang bukas

Ang iyong pagdaramdam
Idalangin mo sa Maykapal
Na sa puso mo ay mawala nang lubusan

Sa buong biyahe ko sa tren, yan ang napapakinggan ko.   Sa pagdaan sa bawat istasyon ng tren,  mas madaming sumasakay kaysa sa bumababa. Napupuno na ang tren, pero sige pa  rin sa pagkanta ang bata.

Wala pa ring sumasaway sa kanya.   Pinakinggan ko na lang.  Siguro nga’y may mensahe sa akin sa kanta.  Ganito ako nakapagpahinga,  may background music.

Maya-maya, sabi ng bata sa kasama, “Alam mo, Papa, noong wala  ka pa, noong kami pa lang ni Mama; hindi pa kayo kasal ni Mama.  May iniregalo si Mama sa akin na PSP, may laro dun na monster.  Gwerrrr!!”

Minulat ko ang aking mga mata, sinulyapan ko ang mama, mga 20-25 years old lang siya at ang bata, mga 6-8 years old lang din.  Ah, ang kainosentehan ng bata…  Ang  kamusmusan nga  naman, hindi alintana ang gulo ng mundo, at ang kanya-kanyang drama sa buhay…

Tuwang-tuwang bumaba ang mag-ama sa Ayala.

Pilit kong tinutumbasan ang kanilang saya nang  bumaba ako sa Magallanes

(Ngayon ko  lang napagtanto, pagkalipas  ng  tatlong araw,  habang sinusulat ko ito, at hinanap sa google,  na  ang inaawit ng bata  ay ang theme  song ng “May bukas pa”.  Malay ko ba?!  Hindi nga ako nakakapanood ng teledrama, eh.  Hehehehe)

Previous Post
Leave a comment

33 Comments

  1. gustong gusto ko yang kanta na yan kahit hindi ako nanonood ng santino,hehehe

    bawat pag gising sa umaga eh may pag asa!

    Reply
    • taribong

       /  October 21, 2009

      Tama ka, p0kw4ng. Parating may pag-asa…
      Tumatanda na nga siguro ako (pero ang kalabaw hindi naman daw tumatanda, di ba?). Hindi ko namamalayan ang paglipas ng mga araw…
      Hay buhay.
      Salamat sa pagdalaw. Ingat ka palagi diyan.

      Reply
  2. hehe, sabi nga ni manny pacquiao, “now you know.”

    Reply
    • taribong

       /  October 21, 2009

      hehehehe sana mahanapan ko ng panahon para mag-marathon viewing… (para makita ko kung paano bumira ang tinutukoy ninyong aling baby hehehheh para maka-relate sa post niyo dati)
      Thanks, father.

      Reply
  3. Aw. Ayala area ka lang pala! ako, hindi ako nakakapanood ng teledrama.. siguro kailangan ko rin iresearch ang bawat bagay na may kinalaman sa teledrama dahil wala na akong tv-human relationship.. hay.

    Reply
    • taribong

       /  October 22, 2009

      Hehehe Malapit lang kami sa Ayala kung tutuusin. Sa may riles kami, sa may baha palagi kahit konting ulan lang hehehe
      Ako naman late night news ang nadadatnan, hindi pa rin makanood dahil zzzzzzzzzzzzzzzzzz na agad. Ako ang pinapanood ng mga nasa tv hehheehhe.
      Salamat sa pagdalaw…

      Reply
      • Yawts! Ganun ba? Malapit ka lang pala sa riles ng PNR. hehe. Oo nga, binabaha nga dun.. Malapit lang ang workplace ko sa inyo.. Hm, medyo..

        Ako?! ako ang nagdidirek ng pinapanood sa tv. Awts.

        Reply
        • taribong

           /  October 22, 2009

          Ha? Talaga?? Anong palabas??? Para makanood na rin ako ng tv…hehehhe Saang banda ang workplace mo????

          Reply
          • Haha, joke lang yown! Yawts. Sa bandang RCBC, Makati Med, at Columns. Nandun lang ako paminsan minsan!

            Reply
      • wahahaha ako ang producer ng pinapanood sa tv…

        Reply
  4. heheeh ang galing naman. naaaliw ako sa mga bata. lalo na yung bibo…

    kung nandun ako baka nasa kanya lang ang atensyon ko, allo na kumakanta nakakaaliw. ehhehehe

    idalangin mo sa may kapaaaaaaaaa–allll

    (lagi ko ring kinakanta yan na may halong piyok sa dulo.

    naadd na kita sa blogroll taribong-kamote

    Reply
    • taribong

       /  October 22, 2009

      Hehehehe Nakaka-amuse nga yung bata, iba lang talaga ang timplada ko nung araw na iyon dahil sa pagod at puyat. Pero ngayon kapag nakita ko ulit siya/sila, makikikanta na lang din siguro ako (huwag lang ako pagbabatukan ng mga iba pang nakasakay sa MRT hehehehhe)
      Dun sa part na “bu-u-kaaaaaaaassssssss” ang laging malakas sa kanyang pagkanta. Wala lang nga yung lines na “May bukas pa…..” kaya hindi ko na-gets kaagad (o sadya lang na mahina ako makagets hehehhee)
      Mas naaliw ako dun sa walang-muwang na sinabi ng bata na “nung wala ka pa… hindi pa kayo kasal ni Mama…”, hindi makapagreact ang tatay hehehehhe
      Salamat sa pagdalaw…

      Reply
    • Jezon Hamst’r, p_d___e ka no?! WAAH. joke lang! hehe.

      (Taribong’s note: Ax, inedit ko ang comment ha? Baka kasi makapag-isip ni jasonhamster at pakinggan ang paanyaya nina Father Fiel at lhen8, at matuloy siyang maging pAdRe hehehehe. Ayos lang ba?)

      Reply
  5. lumambot ang puso kong bato sa iyong kwento..

    minsan may ma ganyang pangyayari, na hindi mo akalain na may hatid palang mensahe ang mga bagay na iyong naririnig, maging ito ma’y galing sa isang tinig ng batang wala pang kamalay-malay sa mundo.. kahit ito ma’y isang munting tinig basta’t iyong narinig at pumasok sa iyong isip, ang mensahe sa puso’y iyong mabatid.

    napadaan lang kaibigan.

    Reply
    • taribong

       /  October 22, 2009

      Salamat sa muling pagdaan, kaibigan. Ikinagagalak kong naibigan mo ang aking maikling kuwento hango sa tunay na buhay. Hanggang sa muli…

      Reply
  6. Buti pa ang bata nakakanta ng may tiwala sa sarili.

    Parokyano ka rin pala ng MRT, isa sa mga obra ko ang MRT at ang mga sumasakay,bumaba dito. Hahanap na lang ako ng tamang pagkakataon, puro draft…ang kinuuwian.

    Malamang nagkakabangaan pa tayo kapag siksikan maliban na lamang kung nakasakay ka sa unahan..pang tsiks ata yon. Ngyork

    Reply
    • taribong

       /  October 25, 2009

      Malamang nga nagkakabanggaan na tayo tuwing siksikan. Hihintayin ko ang pagkakataon na minsan sa MRT, may kakalabit sa akin at magsasabing “Kuya, ikaw ba si Taribong?” hehehehe

      Madaming kuwento sa MRT. Sa katunayan, may naiisip nga ako na kuwento na puwedeng gawing pelikula, halaw sa sarili kong karanasan at batay na rin sa aking mga pagmamasid. Sana dumating ang araw na magawa ko na rin ito sa wakas…

      Masarap nga sigurong sumakay sa unahan. Biruin mo, napapalibutan ka ng madaming tsiks. Huwag ka lang hambalusin palabas ng mga manang hehehehe

      Reply
  7. kaye

     /  October 24, 2009

    hahaha! kita mo, God moves in mysterious ways… siguro nga yun ang mensahe sayo…di ba sabi mo nga, pinipilit mong malaman kung ano ang reyalidad sa idealismo… at mukang napapagod ka na nga talaga kaya kelangan mo na ng pahinga… mabuti na lang at nakinig ka sa awit ng munting bata…makulit…pero kung minsan, di ba, kelangan din tayong kulitin ni Lord para makinig tayo… at sabi nga, ang mga inosenteng bata ang tagapagdala ng mensahe ni Lord sa atin…

    ang iyong pagdaramdam…idalangin mo sa Maykapal, na sa puso mo ay mawala nang lubusan… I think that’s what we all should do… leave everything to God while we are doing our best to make our lives, this life, better.

    cheer up!

    Reply
    • taribong

       /  October 25, 2009

      Thanks, kaye. Tama ka, minsan nagpapaalala lang si God sa atin. Siguro nga, kailangan lang tayo makinig o kaya pakiramdaman Siya. Maraming salamat. Hanggang sa muli…

      Reply
  8. nadami talagang natututo kay santino, nakakatuwang isang munting bata lang pala ang makakahipo ng puso ng marami..

    ginoo ako po si romeo, isang baguhan sa blogging, sana po akoy suportahan nyo sa aking pagsisimula… salamat

    Reply
    • taribong

       /  October 26, 2009

      Tama ka diyan kaibigan. Lalo na sa katulad kong bibihira nang makapanood sa tv.
      Walang problema, suportahan taka hehehehe. Ipagpatuloy mo lang ang pagsusulat, maya’t- maya’y magiging bukambibig na ang iyong blogs. Wishing you all the best…
      Salamat sa pagdalaw. Hanggang sa muli

      Reply
  9. Napalaking impluwensya ni Santino sa masa. Nakakatuwang isipin na ang media ay isang instrumento para mapanatili ang bagong pagasa sa puso ng masang Pilipino na may bukas pa.🙂

    Reply
    • taribong

       /  October 26, 2009

      Malamang dahil din kay santino, dumarami ang napapadpad dito sa blog-hay ko hehehehe… May mga aral ngang napupulot sa kuwento ni Santino, sana maisabuhay ng ating buong sambayanan. Salamat, kaibigan, dalaw ka ulit ha? Hanggang sa muli..

      Reply
  10. Di rin ako nakakapanood ng Santino. Maganda itong sinabi mo:

    “Ah, ang kainosentehan ng bata… Ang kamusmusan nga naman,..”

    “Assuredly, I say to you,whoever does not receive the kingdom of God as a little child will by no means enter it.”
    Mark 10:15

    Mahalaga ang katangian ng mga bata sa atin at sa ating Panginoong Diyos.

    Reply
    • Parang yun po ang scripture reading mga ilang Linggo ang nakararaan bago nangyari yung kuwento ko…
      Salamat po superlolongpinoy. Hanggang sa muli. God bless you always

      Reply
  11. nakakatuwa naman..totoong may bukas pa, kaya wag mawawalan ng pag-asa pero sana isipin din natin na ang ngayo’y mahalaga!

    Reply
    • taribong

       /  October 31, 2009

      well said, the lady in green ruffles. salamat sa pagdaan. hanggang sa muli…

      Reply
  12. nakakatuwa tong post mo tari… 🙂

    alam mo minsan ang kakulitan ng bata ang minsang nakakapawi ng pagod …ndi man ako isang ina pero sa dami ng bata na hinahawakan ko twing sabado… eh nakaka aliw tlaga… oo minsan nakakairita pero kung iintindihin mo ang kakulitan ng mga yun…. may mensahe….

    sabi ko na nga ba ddmi ang comments ni F3 Dito (Fr.Felmar Fiel)🙂

    kaya kung ako sayo paminsan minsan sakyan ang bata…🙂

    pansin ko bata pa ang ama ng batang naririnig mong kumanta🙂
    kaya nasasakyan nya pa ang kakulitan nito…

    now lang ako napadaan dito sa bahay mo…. 🙂

    Reply
    • taribong

       /  November 3, 2009

      Maraming salamat, lhen8. Kaya nga saludo ako sa mga katulad mong guro, lalo’t higit sa mga full-time parents at sa mga yaya, dahil sa inyong angking tiyaga at pagkamaunawain.
      Ikinagagalak ko ang iyong pagdaan sa aking blog-hay heheheheh. Hanggang sa muli…

      Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: