e-story

(Sumbong kay TARIBONG.  Yan ang link sa akin sa blogroll ni topexpress.  Malakas lang ba ang kutob niya o nagkataon lang?  Hindi ko alam kung bakit at paano niya naisip iyon.  Dahil may katotohanan iyon…)

Mga tauhan:

Norman,  25 taong gulang.    Gustong ipawalang-bisa ang kanyang kasal.   Iniwan siya ng kanyang asawa, dalawang buwan pa lang silang kasal noon.  Apat na taon na ang  nakararaan.

Taribong

Tagpuan: Sa isang coffee shop

(Magkaharap sina Norman at Taribong.   Nasa gitna nila ang bilog na mesa kung saan nakapatong ang dalawang tasa ng  kape.  Kalahati na lang ang laman ng mga tasa.)

*      *     *

Taribong: Hindi mo na ba hinanap ang iyong asawa simula noon?

Norman: Hinanap.   Pero wala  talaga  eh.   Hindi ko naman kilala ang  kanyang mga kamag-anak.   Pinuntahan  ko lahat ang alam   kong puwede  niyang puntahan. Nagtanung-tanong ako sa mga  nakakakilala  sa  kanya.  Wala. Three months pa  lang kasi kami magkakilala,  nagpakasal  na kami agad.

Taribong: Wala ba siyang nabanggit na  probinsiya niya?

Norman: Meron.    Pero di ko na matandaan sa tagal.  Alam  ko nagsisimula sa ē.

Taribong: Sa palagay mo,  anong probinsiya kaya iyon?

Norman: Pwede  kasing Iloilo,   pwede   ring  Ilocos,  Isabela o  Iligan.

Taribong: Aah! (Nangingiti habang nag-iisip) Akala ko, sa Eastern Samar. . .

Norman(nalulungkot ang mukha) Pwede  rin po siguro dun.

Taribong (pinipigilan ang pagngiti,  kukunin ang kanyang tasa at  hihigupin ang natitirang laman):

((Sa isip ni Taribong: Litong-lito na nga ba si Norman?  Letter ē ang  simula  ng Eastern Samar at letter ī ang simula ng Iloilo,  Isabela, Iligan at   Ilocos.   Sabagay,  ang Europe nga ē din ang simula. Hihihi este Hehehe))

Norman (magpapatuloy sa pagsasalita,  ibababa ang tingin sa mesa)Mahal  na mahal ko na ang kinakasama ko.  Gusto ko nang ayusin ang buhay ko.  Siryoso po  ako. (Ibabaling ang tingin kay Taribong.)

((Umayos  si Taribong sa kanyang pagkakaupo.   Tuluyang pinigil ang pagngiti.   Siryoso nga si Norman.   Seryoso nga!!))

Previous Post
Next Post
Leave a comment

25 Comments

  1. kaye

     /  October 12, 2009

    base!🙂

    ahem. di ko kasi alam ang iyong occupation, lawyer ka ba sir, at pinagsusumbungan ka niya?

    kawawa naman si norman. hirap talaga pag kasal ang usapan, kelangan pagisipan para di pagsisihan. at sana naman maalala na niya kung letter e nga ba o sa I nagsisimula yun. kasi nakakasira talga ng ulo. kahit ako parang natigilian dun eh. hehehe

    at shempre pa. naiimagine kita. palagay ko di mo malaman gagawin mo kung maaawa ka o mapapahagalpak ng tawa. hehe

    Reply
  2. Itago na lang po muna natin sa pagiging confidant hehehehe…

    Salamat sa pagbisita. God bless you and your family always.

    Reply
  3. Tama si Nanay Kaye. Ang kasal..sabi nga ng matatanda…ay di kanin na isusubo at pag napaso ay iluluwa. Hayyy buhay nga naman. Di ko malaman kung sino ang sisisihin…at siguro sana isang lugar na lang ang may tunog sa simula na ‘e’ o ‘i’…hehe…yun pa lang ay puzzle na. At nasa kamay mo na pala ngayon ang kanyang bagong kinabukasan…sana di na siya ma-diskarel sa panibagong relationship na pinasukan niya.

    Reply
  4. Nasa kamay pa rin po ni Norman ang mga pasya. Ang ganang akin lang naman ay payong kaibigan. Mas higit na alam niya kung ano ang bukas na gusto niya.

    Hindi po talaga biro ang kasal. Mahirap ang padalus-dalos. (Lalo sa panahon ngayon. Tagbaha, madulas ang mga pasilyo hehehe)

    Pero, ayon nga kay Norman, siryoso ito. Sana may mga mambabasa tayo na makapupulot ng aral sa pinagdaraanan niya.

    Salamat po sa pagdalaw. Hanggang sa muli.

    Reply
  5. pangarap ko ang ikasal…sa simbahan..pero simple lang…kompleto na ang buong detalye ng kasal ko at kung kailan ang date..iisa na lang ang problema ko…lalaking papakasalan! hihihi..isa ding malaking problema yun!

    salamat sa pagdaan sa bahay ko…sana eh napameryenda ka ng mga katulong ko don,hihiihi

    Reply
    • taribong

       /  October 14, 2009

      Husss, ikaw pa? E ang dami mo ngang tagahanga e. Pati siguro mga poreyndyer, pumipila hehehehe…

      Very accommodating naman siya heehehe. Kaya lang hindi na ako nagmeryenda kasi busog pa ako. next time na lang hehehehhe

      Salamat din sa pagdalaw. Pasensya na at wala akong katulong e. Sana napameryenda din kita. Dalaw ka ulit ha?

      Reply
  6. ay BASE BASE BASE! ahehehehe kuya hmmmm nagkataon lang po siguro! iniisip ko kasi mga kyut na tag names sa mga blog name natin. eh siguro adya na din ng kutob! ahahha

    naka namen!!! payong taribong na toooooh!!! kuya gudlak sa base contest ha!😀

    Reply
    • Salamat sa pagdalaw… Sana mas lalo ka pang ipag-adya ng iyong kutob hehehehe. (Sa mga susunod na posts, may mga maibabahagi pa ako patungkol sa mga sumbong… Abangan. . .)

      Pagbutihin mo rin sa base contest. Paganahin mo ulit ang kutob mo doon. Hehehe. Good luck din sa iyo! Ako naman ay umeekstra lang kung papalarin… (Pero katulad ng nasabi ko sa iyo, subukan kong isulong ang “sharing of points” para i-consider ni Father Fiel!!! Sana lumusot hehehehe. Panibagong twist???)

      Reply
    • kaye

       /  October 15, 2009

      aba aba aba. at ano ito? naguusap ng private tungkol sa base contest ni father. hahahaha! ikaw naman topex, malayo ka pa sa amin, at taribong, bumebase pa si topex kaya yakang yaka pa rin niyan.🙂

      Reply
      • Hahaha Nabanggit ko na po ito noong una pa lang sa BASE! September 29, 2009 Comment No. 23/Reply hehehe
        (>>> para hindi masayang ang points, ise-share sa iba wahahaha
        >>> paging the organizer of the base contest…

        … At ang kasagutan ay…
        “Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD – October 15, 2009
        nakita ko ito taribong…di ko muna kakagatin yan…maguguluhan lalo ako sa computation. lol.”

        Kaya, proposal set aside. Back to the game, may the top and best basers win!!! Way to go, basers…

        Reply
    • Heheheh napanood ko sa Bubble Gang ang “sumbong sumbong kay bonggang-bonggang bongbong” heehheeehheeehhhehee

      Reply
  7. nakakatuwa naman si norman, alam ko hinahanap nya si Helga (yan ang pangalan ng dati nyang asawa) para lang maayos ang kanyang buhay sa piling ng bago nyang kinakasama… ambata pa naman kasi nya para mag asawa sa taong iilang buwan pa lang nya nakilala. kulang pa sya sa informasyon pinakasalan na nya… hai buhay pag ibig nga naman.

    Reply
    • taribong

       /  October 15, 2009

      Salamat sa pagdalaw, livingstain… Kailangan niyang maging malinaw ang kanyang isipan… Dapat nga magkita na rin sila ni Helga para maging maayos ang lahat. Umaasa rin ako para sa happy ending ng kuwento ni Norman…

      Reply
  8. wahahaha at nabasa ko na ang usapan nyo, hehehe.

    pag usaping kasal, mayroon tayong civil law (usaping legalidad) at canon law (usaping simbahan) na siyang basehan.

    dito sa pinas, sa civil law pwedeng mag-asawa ulit ang isang tao kung di na nagpakita ang kanyang other half in the span of five years. ASSUMED dead na kasi. (check mo ulit baka nabago na ang rules)

    sa canon law naman, kung buhay pa ang asawa mo at naghiwalay na kayo, di ka pa rin pwedeng mag-asawa. pag gagawin mo yan, makikiapid ka na…

    saan pwede makakita ng hope?

    check out the previous marriage: ito ba ay valid? baka naman may threat or deceit? pag mayroon, the guy can file for annulment, which is permitted in the philippines…

    Reply
    • taribong

       /  October 16, 2009

      Thanks, padz for the advice. Sana mabasa niya rin ito (maski di niya alam na nai-blog ko siya hehehehhe …)
      Na-tsek ko na po: Apat na sunod-sunod na taong pagkawala at may pangambang yumao na ang nawawalang asawa ang tinatakda ng Family Code para mag-file sa court para sa judicial declaration of presumptive death ng asawa para makapag-asawa ulit. (Dalawang taon lang ang kailangan sa ilang circumstances katulad kung ang sinasakyang barko o eroplano ay nawala, o nagsisilbi sa military at pumunta sa giyera, atbp.) Kung wala ito, hindi valid ang anumang sumunod na kasal at maaaring masampahan ang nagkasalang asawa ng bigamy.
      Yung sa previous marriage po, maaga lang po sigurong linibogan at hindi ito na-sustain, ay sori padz, bata pa po siguro talaga sila, hindi pa siguro sila mature to take responsibilities dahil sila ay “smitten by love”, natauhan si babae after 2 months kaya umalis hehehehhe Sana nga may grounds para sa annulment, pero hebigats na kapag kuwentong korte na ang usapan…

      (pero mabuti rin sigurong napagkukuwentuhan ang usaping ligal (legal) para kahit papaano ay may mga aral na mapupulot tayo, kahit konti lang hehehehe) At usaping moral din pala. di ba, padz??? Salamat…

      Reply
      • ikaw ba ay lawyer? o friendship ng nagkwento?

        o nagta-trabaho sa lawyer’s opis?

        Reply
      • taribong

         /  October 17, 2009

        (Turo sa taas (sa sagot kay kaye) hehehehe)
        Padz, mabusising google po ginamit ko sa sinabi ninyong i-tsek ko hehehehe (Interesante po kasi…)

        Reply
      • bah, ang galing ah! ang laki talaga ng tulong ni mr. google!

        Reply
        • taribong

           /  October 21, 2009

          Malaking tulong po talaga si Mr. Google lalo na sa trabaho ko (ayan na naman po tayo hehehehehehehe)
          Kailangan lang swak ang mga keywords na gagamitin. Madalas tantiyahan, minsan diskarte rin, konek-konek na lang kapag nahihirapan, tiyaga lang din po, tapos kailangang tumambling hehehe. Ni-translate ko na lang po iyong nariserts ko sa itaas pagkatapos mai-assimilate (ewan ko, basta maganda sa pandinig hehhhehehhehehe))
          Thanks ulit. Ingat po kayo lagi diyan..

          Reply
  9. totoo ba ito.. attorney ka ba? hehe.. parang yung pagtatanong mo kasi parang atty. hehe.. true story ba ito?

    Reply
  10. True story po ito. Ang mga pangalan ng tauhan at pook ay sadyang pinalitan upang itago ang anumang pagkakakilanlan hehehe

    Tara, inuman na…

    Reply
  11. Sayo yata yung nakita kong karatula na ito:

    Atty Tuleleng Taribong
    Attorney Out Law

    Sayo ba yun?

    Reply
    • taribong

       /  October 20, 2009

      Hahahaha Kung puwede nga lang sana na angkinin ang karatulang yun eh.

      Salamat sa pagdalaw…

      Reply
  12. shynyrd

     /  October 20, 2009

    hmmmm… seryoso to? ang taong umalis, hindi na hinahanap. pinapalitan na lang.. hehehe
    seryoso ako ha.

    padaan..

    Reply
    • taribong

       /  October 20, 2009

      Salamat shynyrd. Ipaparating ko kay Norman hehehehheh
      Daan lang ng daan… Tnx

      Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: