sulit

Paano ba maghanda sa pagsusulit?  Inuulit mo bang basahin ang bawat pahina ng iyong kuwaderno at aklat?  Araw-araw  mo ba itong ginagawa o sa kinagabihan lang bago ang araw ng exam?

Binabalikan mo na lang ba ang iyong aralin at pinagtutuonan ng pansin ang mga puntong hindi mo pa gamay o kailangan pang intindihing maigi?

Tuwing kukuha ka ba ng pagsusulit ay parating lumalabas ang iyong pinag-aralan?   O mas madalas na wala  ang iyong pinag-aralan sa lumabas na eksamin at nagngingitngit ka sa gumawa ng exam?

Para lang tayong mga mag-aaral na kumukuha ng pagsusulit

Sa  pagkuha ng pagsusulit,  kalmado ka o kabado?

Mataas  ba ang marka na nakukuha mo sa pagsusulit? Nakakuha ka na ba ng pinakamataas  na iskor at  may papuri pa ng iyong titser? Yung tipong napapatalon ka sa galak at ang resulta ng pagsusulit ay gusto mong ipa-laminate at  ipaskil sa dingding para makita ng lahat?

Naranasan mo na rin bang mabokya sa test?    O di naman kaya ay sobrang baba na kinailangan mong punit-punitin ang papel ng pinong-pino  para walang bakas o kaya ay walang maka-aninag sa iyong marka?

(Hindi ba’t  nakaka-miss ang pagiging estudyante?)

Ahhh, kung ang mga hamon ng buhay ay parang pagsusulit lamang.  Yun bang puwede kang maghanda para sa darating  na pagsubok at malalaman mo  agad kung ang sagot mo ay tama o mali.   At ang maling  sagot ay agad mong maitatama.   O di naman ay may kodigo hehehe.

Ang kodigo ni Taribong para sa pagsusulit ni G. J.Kulisap sa Lubaklubak   Elem  Skul

Ngunit  ang buhay ay hindi ganon kadali.    Madalas ang mga pagsubok na dumarating sa atin ay hindi napaghahandaan.  Bagama’t   hindi tayo handa  ay minamarapat nating piliin ang pinakamainam na solusyon para dito.  Masusi man itong pinag-aralan o hindi.  Kailangan lamang tayong maging handa sa anumang magiging kahihinatnan nito.

Marahil ang darating na halalan ay isa lamang  pagsusulit.  Kailangang punan ang bilog na kumakatawan sa taong nais mong iboto.  At ang tinig ng nakararami ang magtatalaga nang mga  maglilingkod sa atin.   Dapat.  Ngunit kung sino man ang maluluklok sa pwesto ay may malaking responsibilidad kung ang bayan natin ay susulong o uurong.   Hangad ko na sana naman makaranas  ang bayan natin ng ginhawa at pag-unlad.

Sa ngayon, may kanya-kanya tayong pagsusulit na hinaharap, malaki man o maliit. Nasa sa atin kung paano ito diskartehan.  Sa bandang huli, ang pinakadakilang Guro ang magbibigay ng marka sa atin:  pasado o bagsak.

Teka,  ano na nga ba ang salitang-ugat  ng pagsusulit? Sulit ba?

Previous Post
Next Post
Leave a comment

57 Comments

  1. Aww, ang galing. Pagsusulit from the word sulit. Hehe. Lahat ng exams, worth it. Which reminds me, di ko naseryoso ang exams ko yesterday pati today sa saya. Hahaha. Patay patay na ngayong 3rd grading. :p

    Hay. Mahirap po talaga ang mga pagsusulit ng buhay. Buti sana kung may passing score pa eh, kaya lang sabi nyo nga po, dalawa lang ang grades na pwede natin makuha: passed or failed. Weee.

    Amazing talaga yung sulit. Hehe. /di makaget-over

    Reply
    • Congratulations ulit for passing the UPCAT. Keep it up! Ang galing mo!!
      At papalapit na ang NSPC…. hehehe

      Reply
  2. Ang pagsusulit(sa iskul) para sa akin ay hamon…upang pagbutihan ang isasagot sa mga tanong. Nakakapaghanda naman bago mag eksam para maraming masagutan na tama sa pagsusulit. Madalas sa mga eksamen sa iskul ay puwede pang maka take two…puwede pang umulit.

    Tama ka Taribong…iba ang hamon sa pagsusulit ng ating buhay…minsan ay walang take two. May paghahanda rin ito…pero may mabilis at mahihirap at super-hirap na mga pagsubok na minsan ay di masolusyunan ng kaagadan…may komplikado ika nga. Pero nakukuha ang solusyun sa mga aral ng buhay…mga experiences…na minsan ay magkakamali ka muna pero sa susunod ay naitatama rin…pero sana sa katulad ng sabi mo sa eleksyon…ito ay pagbutihan…para makalampas na ang bayan sa kahirapan.

    Reply
    • At ang lahat ng mga pagsubok ay kaya nating malampasan sa tulong Niya!!!
      Walang imposible…

      Maraming salamat po, Tats, sa inyong pagdalaw. God bless you always po.

      Reply
  3. kaye

     /  January 20, 2010

    bumebeys po!

    ang huling pagsusulit na kinuha ko e nung nakaraang june. nagexam kami para sa IELTS ni toks mo. wala akong kakaba kaba ilang linggo bago magexam kasi sabi ko, english lang naman ang exam. pero nung tumawaga ang sister-in-law ko from australia at sinabihan kami ni bong na dapat maghanda daw talaga kami kasi iba ang exam na yun (4 ang components niya: listening, reading, writing, and speaking with an interviewer) ayun kinabahan tuloy ako. pero as expected, madali lang pala talaga siya. trabaho ko na rin kasi yun. :-)

    pero shempre yung nabanggit mong halalan, napaisip talaga ako. para nga siyang pagsusulit, ano? pero parang statistics exam siya. either 0 o 100 ang marka mo. kasi pag tama ang pagpili mo sa magiging pinuno, wagi tayong lahat, 100 ang marka natin. at pag nagkamali naman, ayun, tumataginting na itlog ang makukuha ng lahat ng pinoy. hay. ang hirap. pero kahit anong mangyayari, kukuha at kukuha ako ng pagsusulit sa darating na Mayo. karapatan natin yan bilang Pilipino. at habang may oras pa, pagaralan sana nating lahat ang tamang pagpili sa ating mga mamumuno.

    kukuha nga rin ako ng pagsusulit kay J.Kul. ;-)

    Reply
    • Wow, sisiw lang ba ang IELTS? Ako kaya? Nakopo, baka kailangan ko pa ng sangkatutak na review hehehe

      Ang boses kasi ng marami ang parating nasusunod. Pero parang hindi iyon ang pinakamainam para sa bansa natin. Kaya lang, ganon talaga. Hayst…

      Good luck sa pagsusulit ni J.Kul!

      At, welcome back, Kaye!!! Am so happy you’re back, fully restored!!! Stay healthy and happy!!!

      Reply
      • kaye

         /  January 21, 2010

        depende sa tao ung ielts e. Kaya lang siya madali para saken, kasi trabaho ko na rin yun. I got the perfect scores in both reading and writing. Pinakamababa sa listening. Di ko maintindihan ang accent. Wahahaha! Sa speaking, 8.5 ang score out of 9. I’m sure you’ll also do very well there. Kita ko naman pag nagsulat ka in english e.

        Pero tama ka, ang boses ng nakararami ay di nangangahulugang tama. Daming beses na yang napatunayan e.

        Reply
      • kaye

         /  January 21, 2010

        ay! Salamat nga pala sa pagwelcome mo saken. Haha!

        Reply
      • taribong

         /  January 22, 2010

        Wow ulit hehehe. (Naks, salamat po sa compliments. hehehe)

        DQ party na!!! hehehe

        Reply
  4. napaisip ako….haha, di ko alam ang root word ng pagsusulit..

    haays! pinaisip mo ulit ako…namiss ko na nman mag-aral, may nostalgia akong bumalik sa academe…mas mabuti dun kasi ang labanan gamay na gamay mo….kung nag-aaral ng mabuti tyak malaking marka ang makukuha, pero sa pagsusulit ng buhay, walang preparation period, walang review, harap-harapan…dumarating kahit di inaasahan, walang tamang schedule, basta gugulatin ka na lang… ang kagandahan lang, ang markang nakukuha, bagsak man o pasado mas lalo kang natutoto, pwedeng di na balikan, lipat lang sa ibang pagsusulit.

    sana lang sa bawat pagsusulit di na tayo uulit…hahaha

    Reply
    • Kung puwede nga lang sana na kasingdali ng karaniwang exam sa eskuwelahan ang mga pagsubok ng ating buhay eh. Gayunpaman, kakailangan nating matuto at ang maging matatag para humarap sa mga mas malalaking hamon. Ang mga pagsubok ang nagpapasarap daw ng buhay. Hindi ba’t mas matamis ang ngiti natin kapag nalalampasan natin ang mga malalaking pagsubok?

      May mga karanasang kailangang ulitin lalo na kapag hindi pa nakuha ang aral mula rito. Katulad ng pag-ibig (?) toinks hehehe

      Reply
  5. nakkamiss po tlga maging estudyante! madalas ung gabi before the exam ako kung magreview. ahehehe… at maswerte naman na nkakasagot ako sa exam. :)

    sa May 10 na nga po ang pagsusulit nating mga pinoy, ang mahirap pa nyan di naten agad malalaman kung tama ba ang pinili naten, taon ang bibilangin. kaya ingat ingat sa pagpili ng bilog na hugis itlog! :)
    naalala ko ung commercial ng sexbomb. hahaha!
    may bilog, may bilog na hugis itlog… yan lang alam ko e. hehehe

    Reply
    • Cramming din ba ang style mo? hehehe madalas akong ganon (pero nagbabasa naman ako ng aralin lalo na kapag may graded recitation ahehehe)

      o, sayaw nga diyan katulad ng sa sexbomb. hahaha!

      Reply
  6. Mga salitang pwedeng makuha sa salitang ugat na SULIT
    A) ULIT-uulit ka kapag bagsak ka, manikluhod sa guro para maawa
    B) TULI- pwede kang tuliin ng nanay at tatay mo, kapag bagsak ka
    K) TULIS- dapat matulis ang tasa ng lapis para malinaw, at matulis ang iyong utak sa pagsagot ng mga tanong
    D) SIT- dapat nakaupo ng maayos at hindi humahaba ang leeg
    E) LUST- dapat marunong “maglibog” ang iyong utak para kahit praningin ka ng mga komplikadong taong, hindi ka malilito ever.
    G) LIST- may kodigo para makapagmemorya ng mga sagot.
    H) LIT- ILAW ang ibibigay ng karunungan sa pagsusulit na iyong gagawin.
    I) SLIT- hihiwain ang utak mo para palitan ng bago kapag walang laman.
    L) SLUT- ‘yan ang kauuwian mo kapag hindi ka nagtino sa pag-aaral. Gusto kong maging SLUT, ma try nga. Wahekhek

    Whew, bakit ko ba pinahihirapan ang sarili ko Tar.

    Base sa kodigo mo, mayron kang 8 puntos sa iyong PAGSUSULIT.

    Mainam,masustansya ang iyong bagong artikulo Tar.

    Pwede ka ng bumalik sa eskwelahan.

    Mga kaibigan,

    Sabi ninyo passed or failed lamang ang ating pagsusulit kung buhay na ang usapan pero sa mga bagay na failed, kapag binigyan ng pagkakataong itama, huwag ng magpatumpik tumpik pa. Humayo ka, at uliting muli para mas masaya ang buhay.

    Reply
    • LITU – ito ka kung hindi mo alam ang isasagot sa pagsusulit. At kung paano harapin ang mga hamon at pagsubok ng buhay hehehe

      Maraming salamat J.Kul sa inyong pagpapaunlak na ako ay makakuha ng inyong pagsusulit bagaman hindi ako makapunta sa klasrum ninyo dahil wala akong dalang manok at itlog. Ayos?

      Reply
      • Hindi ka ba makahuli ng manok, o wala pang inahing nangingitlog?

        Isang taling talbos ng malunggay at komote na lamang Tar,pwede na daw sabi ng principal.

        Reply
  7. Palagi tayong may pag susulit na hinaharap, di man tayo palaging makapasa. sa mga panahon na bumagsak tayo, matuto tayo sa mga aralin di lang sa ipinasa natin kundi mas higit sa mga pag susulit na bumagsak tayo. Dahil isa lang ang ibig sabihin nun. Dun tayo mahina, marupok. Tayo’y tao lang na nadadarang at natutukso rin wahaha kumanta eh anoh.

    Seryoso, palaging hingin ang gabay ng AMA para tayo ay maging maayos at ligtas.

    Reply
  8. ako, lagi akong bagsak sa exams. hehe, totoo.

    Reply
  9. mtoni

     /  January 21, 2010

    sa panahon ng pagaaral dapat araling mabuti ang leksyon upang maipasa ang mga pagusulit.

    minsan kahit anong paghahanda ay dumadating ang mga pagsubok pero wag nating hayaang maging dahilan ng paglihis ng direksyon o maging simula ng kawalan ng pagasa sa buhay.

    tungkol sa pagpili ng tamang kandidato… tingin ko sa pinas kahit anong husay mamili ng botante eh mas matalino sa pandaraya ang karamihan sa mga kasalukuyang nakaluklok na ayaw tumayo sa kanilang ‘upuan’.

    pilitin ang sarili na maglaan ng panahon na basahin at pagaralan ang biblia mula sa mga taong me higit na kaunawaan sa aklat.

    ano na nga po ang tanong?

    Reply
    • taribong

       /  January 22, 2010

      Ano ang salitang-ugat ng pagsusulit? (wahahaha sinagot nga)

      Naimbag nga aldawmo, adingko. kumusta?

      Reply
      • mtoni

         /  January 23, 2010

        naimbag nga rabii met kanyam dita manong tar.

        salitang ugat ay sulit.
        tulis, sutil

        Reply
  10. pag may mga exams ako dati, di ako natutulog. magdamagan ako kung mag-aral. then after ng exam, super tulog!

    ang pinakamakulit na comment sa pagsusulit ni jk ay ang sa boss mo taribong. mabuti naman at nabigyan ka ng special exam.

    Reply
    • taribong

       /  January 22, 2010

      Wow! At ang kinahitnan hehehe Latin honors!! Galing talaga!!!

      Thanks po. Mahal talaga kami ng boss namin. Kita niyo naman, pina-excuse ako hehehe. Wala lang po akong madalang native na manok para sa principal. Di po ba marami kayong alagang manok diyan?

      Reply
  11. kodigo, tama kodigo nga, hayaan mong magfocus ako jan… parng buong buhay ko sa paaralan HINDI ko nasubukang mangodigo… nangongopya ako pero hindi ako nangongodigo… lolz

    Reply
    • taribong

       /  January 22, 2010

      Yung kodigo ko sa exam lang po ni G. Kulisap. (Parang special exam na rin dahil hindi ako maka-report sa klarum niya na wala akong dalang manok at itlog.) Hindi na ako nangodigo sa iba. Nakikinig lang ako sa bulungan ng mga classmates dati hehehe

      Pero ako dati ang pasimuno sa pagsusulat ng formulas sa kisame at sa taas ng blackboard (toinks) waaaah

      Reply
  12. ayos a kuya. may kodigo sa exam ni G. Kulisap.

    alam mo kuya natry ko na mangodigo. maraming beses. aw.

    ang pinaka exciting yung gumamit ako ng invisible ink. tapos pag di nakatingin teacher, iniilawan ng infrared mula sa pwetan ng bolpen. wahhhhhhhhhhhhhhhhhhh

    yung shot ba sa classroom ay…

    hehehehe

    Reply
  13. galing at pati test eh kinunan…

    yung eleksyon eh test na hindi na dapat mag-aral…puro mandaraya naman dun

    Reply
    • taribong

       /  January 24, 2010

      Repasohin lang siguro natin ang kakayanan ng bawat kandidatong nais maglingkod. Yung taong pwedeng manguna para sa ikauunlad ng bayan at hindi matutukso sa kapangyarihan para sa pansariling interes (o sa interes ng mga kasamahan) lamang.

      Reply
  14. salitang ugat? sulit? titignan lang siguro kung may nasulit ba sa mga lessons or may natutunan tayo, sulit ba ang lectures na ibinigay gn teacher?

    hmm, sa darating na eleksyon,. sulitin natin ang pagkakataon,. pagkakatong maghalal ng nararapat, at pagkakataong mabago ang sistema ng pamamalakad ng gobyerno, pero syempre hindi lang basta dapat i asa sa mga mamumuno ang kinabukasan ng pag unlad,. bawat isa sa atin amy tungkulin…

    yeah!

    AKO ANG SIMULA.

    Reply
    • taribong

       /  January 24, 2010

      Tama ka bonistation. Ang pagsusulit ang sukatan kung may natututunan ba ang mag-aaral at kung epektibo ba ang pagtuturo ng guro.

      Ang halalan naman ay ang natatanging kapangyarihan ng mamamayan na pantay ang boto ng mahirap sa mayaman. Ang tuluyang pagbabago ng lipunan tungo sa pag-unlad ay magmumula sa bawat mamamayan, sama-sama, tulong-tulong. Hindi rin siguro maitatanggi na sa nagdaang panahon ay may mga nauna sa atin upang makamit ang pagbabagong nais para sa bansa… AT AKO ANG KARUGTONG.

      Reply
  15. Sulit ba ang ginagawa mong pagsusulat sa pagsusulit at masusulot mo ba ang lusot o pasisilat ka ng pasalit-salit?? LoL.

    Reply
    • taribong

       /  January 24, 2010

      Wow. Sulit tsaka nakalusot naman. Ayos?!?
      Maraming salamat sa pagdalaw hehehe

      Reply
  16. Ako presidente ko si mang jess, bise ko ikaw taribong, senador ko si ax, at muse natin s J.Kulisap hehekhek! Saan mo nakuha yung kodigo mo pala? Pahiram!

    Reply
    • Muse na amoy nganga, nakabahag at saka lumalaklak ng tuba.

      Kagandang MUSA.

      Konsorte ko si Yin ha?

      Reply
    • Hala yin!!! (ooops parang masama sa pandinig hehehe) Eniwey, nakopo. parang class officers lang. Teka, may senator ba sa klase? hehehe
      Maraming salamat sa pagdalaw. hanggang sa muli

      Reply
    • opo your honor, well the senate is about to start its meeting!

      everyone, goodmorning!

      Reply
  17. Ang pagsusulit ay isang paghamon sa ating kakayahang masukat ang mga bagay na ating nalalaman o natatandaan mapa ito ay tinuro ng paaralan o ng ating mga karanasan.

    Ang buhay ay isang walang katapusang pag-aaral at madaming pagsusulit na dapat malagpasan. Minsan kailangan din ng diskarte sa pag kopya ahehehehehe. :D

    Sulit ang pagdalaw ko sa bahay blog mo kuya tarbs!

    KUdos!!!!

    Reply
  18. namimiss ko na rin ang pagiging estudyante ko (parang kelan lang)…

    i’m so thankful na pumapasa naman ako sa mga ‘life-changing’ exams ko.. hehe.. thank God. =)

    Reply
    • Congratulations! Ang iba, kailangan pang umulit para lang pumasa. Pag di nakayanan ng umaatikabong pagrerebyu, minsan ay natutuksong mangodigo na lang. At pag nahuli, aww lagpak. Salamat sa pagdalaw.

      Reply
  19. hindi naman nakakatakot ang pagsusulit kung talagang nag aaral ka ng mabuti,, hehehe ,, natawa ako sa kodigo .. hehe may kinalaman pa kay kulisap.

    Reply
    • taribong

       /  January 27, 2010

      depende rin po sa instructor. Merong iba na hindi kasama dun sa inaral mo ang ipapa-exam. Yung tipong mapipilitan ka mag-isip at pigain ang iyong utak waaaahhh

      Reply
  20. Nung high school ako, tuwing nagre-review, pumapapak ako ng peanuts, hahaha. brain food daw kasi. tapos isang test nung 3rd year ang sumablay ako kasi nagpuyat ako sa pagre-review at tanghali nang gumising para makapasok, hahaha. NCEE ko nun oks oks lang, 99.9+ lang naman.

    Reply
    • taribong

       /  January 27, 2010

      WOW talaga!!! Ang galing naman. Nakakabilib po talaga kayo.

      Noong hayskul, nanay ko ang gumigising sa akin para magreview sa madaling araw, at habang nagluluto ng almusal. Noong college ang mahirap, kasi naranasan ko ang sumablay, mga ilang beses din yon hehehe merong late ang gising at matrapik, pagdating sa klase, last five questions na lang. Nagpapakopya din naman ang seatmate ko, kaya 10 out of 25 questions pa din ang nasasagutan. Bumabawi din naman ako sa kanya sa ibang subjects hehehe Parang ganun lang din ang rating ko sa NCEE. (ulk, nagbuhat ng sariling bangko)

      Maraming salamat po sa pagdalaw. Hanggang sa muli

      Reply
  21. Taribong, napadaan lang para kopyahin ung kodigo mo. heheh… may naalala tuloy ako pero sa akin na lang baka bawiin pa ung A+ na grade ko. anyway, ang totoo napadaan lang para ipaalam na biglaan ang kasipagang ipaskil ang maipaskil doon sa blogroll. isa ka na doon. sa ayaw at gusto mo pero kung ayaw mo paki-pindot na lang.

    Reply
    • wow!!! nagagalak ako at isang malaking karangalan ang mapabilang sa inyong blogroll. Maraming salamat po. (bow hehehe)

      Reply
  22. buti nlng pasado ako sa first exam ko. hehehe. ang pinakamaganda sa pagtake ng exam eh ung hindi mo akalaing makakpasa ka pla at lasing ka nung ngtake ng exam.hehe salamt sa pagdalaw, tsong!

    Reply
    • taribong

       /  January 28, 2010

      Naranasan ko na din yung alam na ngang lasing ka at hindi pa nakarebyu ay ikaw pa ang kakalabitin para kopyahan hahaha. Minsan pag sinusuwerte ay mas mataas pa ang nakukuha kesa sa talagang nagrebyu at hindi lasing hehehe.

      Reply
  23. para sa akin ang pagsusulit ng buhay eh wala sa bigat o gaan…nasa kung papaano mo ito tatanggapin at haharapin…aytenkyu bow!

    hapi nyu yir taribong!!!

    Reply
    • Wow! Bigatin ang comment, pang-Miss Universe talaga. hehehe

      Welcome back, Bon voyage, Happy New Year at Happy Valentine’s Day sa ‘yo…. Ambilis ng mga araw talaga. Maraming salamat sa iyong pagdalaw. Kumusta na???

      Reply
  24. kuya Bong! may isusumbong ako sa’yo!

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: